15 upang kayo ay maging mga walang kapintasan at walang dungis, mga anak ng Diyos na walang maipaparatang sa gitna ng lahing liko at lihis, upang magliwanag kayo sa kanila bilang mga ilaw sa sanlibutan,16 na itinatanghal ang salita ng buhay upang may ipagmalaki ako sa araw ni Cristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan, ni nagpagal nang walang kabuluhan.