16 si Juan ay sumagot sa kanilang lahat na sinasabi, “Binabawtismuhan ko nga kayo sa tubig, ngunit dumarating ang isang higit na dakila kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak. Kayo ay babawtismuhan niya ng Banal na Espiritu at ng apoy.17 Ang pantahip ay nasa kaniyang kamay at lilinisin niya nang lubusan ang kaniyang giikan. Kaniyang titipunin ang trigo sa kaniyang kamalig subalit ang ipa ay kaniyang tutupukin sa apoy na hindi namamatay.”18 Kaya nga, kahit sa maraming iba pang mga bagay ay kaniyang ipinapangaral ang ebanghelyo sa mga tao sa pamamagitan ng pagsusumamo.