Healing
| Avainsanat | bulag Campbell Helvetti Peter |
|---|---|
| Secondary Keywords | manggagamot Mies Pacific press publishing paglunas |
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 3:1-8 |
Acts 31 Sina Pedro at Juan ay magkasamang umahon sa templo sa oras ng pananalangin nang ikasiyam na oras.2 At may isang lalaking lumpo mula pa sa sinapupunan ng kaniyang ina, na kinasanayan nilang buhatin at ilagay araw-araw sa pintuan ng templo na tinatawag na Maganda upang humiling ng limos mula sa mga pumapasok sa templo.3 Nang nakita niya sina Pedro at Juan na papasok na sa templo, siya ay humingi ng limos.4 Ngunit si Pedro, na kasama si Juan, nang siya ay tumitig sa kaniya ay nagsabi, “Tumingin ka sa amin.”5 Kaya sila ay kaniyang binigyang pansin sa pag-asang siya ay tatanggap ng anumang bagay mula sa kanila.6 Gayunpaman, sinabi ni Pedro, “Wala akong tinataglay na pilak at ginto, ngunit anuman ang nasa akin, ito ang ibinibigay ko sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, tumindig ka at lumakad ka.”7 At nang hinawakan nila ang kaniyang kanang kamay, siya ay tumindig at kaagad lumakas ang kaniyang mga paa at mga bukung-bukong.8 Kaya siya ay paluksong tumayo at naglakad at pumasok sa templo na kasama nila, at siya ay lumakad-lakad, lumukso-lukso at nagpupuri sa Diyos. | |








