43 Ngunit pagkaraan ng dalawang araw, umalis siya roon at pumunta sa Galilea44 sapagkat si Jesus mismo ang nagpatotoo na ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sariling bayan.45 Kaya nang siya ay dumating sa Galilea, tinanggap siya ng mga taga-Galilea na nakakita sa lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa kapistahan sa Jerusalem, sapagkat sila rin ay pumunta sa kapistahan.46 Si Jesus ay muling pumunta sa Cana ng Galilea kung saan ay ginawa niyang alak ang tubig. Naroroon ang isang opisyal ng hari na ang kaniyang anak na lalaki, na nasa Capernaum, ay maysakit.47 Pagkarinig niya na si Jesus ay dumarating sa Galilea mula sa Judea, pumunta siya kay Jesus at hiniling na siya ay pumunta at pagalingin ang kaniyang anak na lalaki na malapit nang mamatay.48 Kaya sinabi sa kaniya ni Jesus, “Maliban na makakita kayo ng mga tanda at mga kamangha-manghang gawa, hinding-hindi kayo sasampalataya.”49 Sinabi sa kaniya ng opisyal ng hari, “Ginoo, pumunta ka na bago mamatay ang aking batang anak.”50 Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Humayo ka, buhay ang anak mong lalaki.” Sinampalatayanan ng lalaki ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya at siya ay umalis.51 Nang siya ay paparating na, sinalubong siya ng kaniyang mga alipin at ibinalita nila na sinasabi, “Buhay ang iyong anak!”52 Tinanong niya sila kung anong oras siyang bumuti. Kanilang sinabi sa kaniya, “Kahapon nang ikapitong oras nawala ang kaniyang lagnat.”53 Kaya nalaman ng ama na sa ganoong oras nang sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang iyong anak na lalaki ay buhay.” Kaya siya ay sumampalataya at ang kaniyang buong sambahayan.54 Muli, ito ang ikalawang tanda na ginawa ni Jesus sa kaniyang pagdating sa Galilea mula sa Judea.
Matthew 8
13 At sinabi ni Jesus sa senturion, “Humayo ka at mangyari ang ayon sa iyong pananampalataya.” At ang kaniyang lingkod ay gumaling sa oras ding iyon.
Matthew 8
8 Ngunit ang senturion ay sumagot at sinabi, “Panginoon, ako ay hindi karapat-dapat na ikaw ay papasukin sa aking bahay. Ngunit sabihin mo lamang ang salita at mapapagaling mo ang aking lingkod