Sokean miehen parantaminen
| Secondary Keywords | bulag Jesus lalaki pagpapagaling pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 91 Sa paglalakad ni Jesus ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan. 2 Tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na sinasabi, “Rabbi, sino ang nagkasala, siya ba o ang kaniyang mga magulang kaya siya naipanganak na bulag?” 3 Sumagot si Jesus, “Hindi ang lalaking ito, ni ang kaniyang mga magulang ang nagkasala kundi upang ang mga gawa ng Diyos ay mahayag sa kaniya. 4 Kinakailangang gawin ko ang mga gawa niya na nagsugo sa akin habang araw pa. Dumarating ang gabi na wala nang makakagawa. 5 Habang ako ay nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.” 6 Pagkasabi niya ng mga ito, dumura siya sa lupa, gumawa siya ng putik at ipinahid sa mga mata ng bulag ang putik. 7 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pumunta ka at maghilamos ka sa dakong paliguan ng Siloe” (ang ibig sabihin ay Sinugo). Siya nga ay pumunta at naghilamos at bumalik na nakakakita. 8 Ang mga kapitbahay nga at ibang mga taong nakakita sa kaniya na dating bulag, ay nagsabi, “Hindi ba ito yaong nakaupo at namamalimos?” 9 Sinabi ng iba, “Siya nga iyon.” Sinabi naman ng iba, “Kamukha niya.” Ngunit sinabi niya, “Ako iyon.” 10 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Papaano namulat ang iyong mga mata?” 11 Sumagot siya at sinabi, “Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik at ipinahid sa aking mga mata, at sinabi niya sa akin, ‘Pumunta ka sa dakong paliguan ng Siloe at maghilamos ka.’ Pumunta nga ako at pagkahilamos ay nakakita na ako.” 12 Sinabi nga nila sa kaniya, “Nasaan siya?” Sinabi niya, “Hindi ko alam.” 13 Dinala nila sa mga Fariseo ang lalaki na dating bulag. 14 Araw ng Sabat noon nang si Jesus ay gumawa ng putik at iminulat ang kaniyang mga mata. 15 Ang mga Fariseo ay muling nagtanong sa kaniya kung paano siya nakakita. Sinabi niya sa kanila, “Nilagyan niya ng putik ang aking mga mata at ako ay naghilamos, pagkatapos nakakakita na ako.” 16 Sinabi nga ng ilan sa mga Fariseo, “Ang lalaking ito ay hindi nagmula sa Diyos dahil hindi niya tinutupad ang araw ng Sabat.” Sinabi naman ng iba, “Papaano makakagawa ng mga ganitong tanda ang isang lalaking makasalanan?” At nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa kanila. 17 Muli nilang sinabi sa lalaki na dating bulag, “Ano ang sinasabi mo patungkol sa kaniya na nagmulat ng iyong mga mata?” Sinabi ng lalaki, “Siya ay propeta.” 18 Hindi pinaniwalaan ng mga Judio ang patungkol sa kaniya, na dating bulag at nakakita, hanggang sa tawagin nila ang mga magulang niyaong nakakita na. 19 Sila ay kanilang tinanong, “Ito ba ang inyong anak na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag? Papaanong nakakakita siya ngayon?” 20 Ang kaniyang mga magulang ay sumagot sa kanila at nagsabi, “Alam namin na siya ang aming anak at siya ay ipinanganak na bulag. 21 Ngunit hindi namin alam kung paanong siya ay nakakakita na ngayon, ni hindi namin alam kung sinuman ang nagmulat ng kaniyang mga mata. Siya ay nasa hustong gulang na kaya tanungin ninyo siya, makakapagsalita siya patungkol sa kaniyang sarili.” 22 Ang mga ito ay sinabi ng kaniyang mga magulang dahil sa pagkatakot nila sa mga Judio sapagkat napagkaisahan na ng mga Judio na kung ang sinuman ang magpapahayag na si Jesus ang Cristo, siya ay matitiwalag sa sinagoga. 23 Dahil dito, sinabi ng kaniyang mga magulang, “Siya ay nasa hustong gulang na, tanungin ninyo siya.” 24 Tinawag nga nilang muli ang lalaki na dating bulag at sinabi nila sa kaniya, “Ibigay mo ang kaluwalhatian sa Diyos. Alam namin na ang lalaking ito ay makasalanan.” 25 Sumagot siya at nagsabi, “Kung siya ay makasalanan, hindi ko alam. Isang bagay ang alam ko, dati akong bulag at ngayon ay nakakakita na.” 26 Sinabi nga nilang muli sa kaniya, “Ano ang ginawa niya sa iyo? Papaano niya iminulat ang iyong mga mata?” 27 Sumagot siya sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo at hindi ninyo pinakinggan. Bakit ninanais ninyong marinig muli? Ninanais din ba ninyong maging mga alagad niya?” 28 Kaya siya ay kanilang nilait at sinabi, “Ikaw ay kaniyang alagad. Kami ay mga alagad ni Moises. 29 Alam namin na ang Diyos ay nagsalita kay Moises, subalit patungkol sa taong ito, hindi namin alam kung saan siya nanggaling.” 30 Sumagot ang lalaki at sinabi sa kanila, “Ito ay kamangha-manghang bagay! Hindi ninyo alam kung saan siya nanggaling. Gayunpaman, iminulat niya ang aking mga mata. 31 Alam natin na hindi dinirinig ng Diyos ang mga makasalanan, ngunit kung ang sinuman ay sumasamba sa Diyos at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya ay dinirinig ng Diyos. 32 Mula pa noong unang panahon ay hindi pa narinig na may sinumang nagmulat ng mga mata ng isang tao na ipinanganak na bulag. 33 Kung ang lalaking ito ay hindi sa Diyos, hindi siya makakagawa ng anuman.” 34 Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Ikaw ay ipinanganak na lubos na makasalanan at tinuturuan mo pa kami?” At siya ay itinaboy nila. 35 Narinig ni Jesus na siya ay itinaboy nila. Nang natagpuan siya ni Jesus, sinabi niya sa kaniya, “Sinasampalatayanan mo ba ang Anak ng Diyos?” 36 Sumagot siya at sinabi, “Sino siya Panginoon, upang ako ay sumampalataya sa kaniya?” 37 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Nakita mo na siya at siya yaong nakikipag-usap sa iyo.” 38 Sinabi niya, “Panginoon, sumasampalataya ako.” At siya ay sumamba sa kaniya. 39 Sinabi ni Jesus. “Ako ay pumarito sa sanlibutang ito para sa kahatulan, upang sila na hindi nakakakita ay makakita at sila naman na nakakakita ay maging mga bulag.” 40 Narinig ng ilan mula sa mga Fariseo na kasama nila ang mga bagay na ito at sinabi nila sa kaniya, “Kami rin ba ay mga bulag?” 41 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo ay mga bulag ay wala sana kayong kasalanan. Ngunit ngayon sinasabi ninyo, ‘Nakakakita kami.’ Samakatuwid, ang inyong kasalanan ay nananatili sa inyo.” Luke 1114 At si Jesus ay nagpapalayas ng demonyo at ito ay pipi. At nangyari, nang nakalabas ang demonyo, ang taong napipi ay nagsalita at namangha ang napakaraming tao. 15 Subalit ang ilan sa kanila ay nagsabi, “Siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub na pinuno ng mga demonyo.” 16 Ngunit ang iba na sumusubok sa kaniya ay naghahanap sa kaniya ng tanda mula sa langit. 17 Ngunit yamang siya ang nakakaalam ng kanilang mga pag-iisip ay sinabi niya sa kanila, “Ang bawat paghaharing nahahati laban sa kaniyang sarili ay nawawasak, at ang sambahayang nahahati laban sa sambahayan ay bumabagsak. 18 At kung si Satanas din ay nahahati laban sa kaniyang sarili, paano makakatayo ang kaniyang paghahari? Sinabi ko ito sapagkat sinasabi ninyo na ang pagpapalayas ko ng mga demonyo ay sa pamamagitan ni Beelzebub. 19 At kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino naman nagpapalayas ang inyong mga anak? Dahil dito, sila ang magiging tagapaghatol ninyo. 20 Ngunit kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos, walang pag-aalinlangan na ang paghahari ng Diyos ay dumating na sa inyo. 21 Kapag ang isang lalaking malakas na nasandatahang lubos ang magbabantay sa kaniyang sariling bulwagan, ang kaniyang ari-arian ay ligtas. 22 Subalit kung ang higit na malakas kaysa sa kaniya ay dumating at malulupig siya, kukunin sa kaniya ang buong sandata na pinagtitiwalaan niya at ang kaniyang mga samsam ay ipamimigay. 23 Siya na hindi sumasama sa akin ay laban sa akin, at siya na hindi nakikipagtipong kasama ko ay nangangalat. 24 “Kapag ang karumal-dumal na espiritu ay makalabas mula sa isang tao, ito ay gumagala sa mga tuyong dako, na naghahanap ng pahingahan. Ngunit kapag wala itong matagpuan, sasabihin nito, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ 25 At sa pagbabalik nito ay matatagpuan itong nawalisan na at napalamutian na, 26 kaya paroroon ito at isasama ang pitong ibang espiritu na higit pang masasama kaysa sa kaniya. At sa pagpasok ng mga ito, sila ay maninirahan doon. Kaya ang magiging huli ng lalaking iyon ay lalong malubha kaysa noong una.” 27 At nangyari, na habang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito, isang babaing mula sa napakaraming tao ang sumigaw na nagsabi sa kaniya, “Pinagpala ang sinapupunan na nagdala sa iyo at ang mga suso na sinusuhan mo.” 28 Sinabi ni Jesus, “Oo, subalit ang totoong pinagpala ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at sinusunod ito.” Mark 320 Muling nagtipun-tipon ang napakaraming tao kung kaya wala silang magawa kahit ang kumain ng tinapay. 21 Nang ito ay narinig ng kaniyang mga kamag-anak, sila ay pumaroon upang kunin siya sapagkat sinasabi nila, “Wala siya sa kaniyang sarili.” 22 Ang mga eskriba na dumating mula sa Jerusalem ay nagsasabi, “Nasa kaniya si Beelzebub” at “sa pamamagitan ng pinakapuno ng mga demonyo ay nagpapalayas siya ng mga demonyo.” 23 Pagkatapos niya silang tawagin upang lumapit sa kaniya, nagpatuloy siyang nagsalita sa kanila sa mga talinghaga, “Paanong mapapalayas ni Satanas si Satanas? 24 Kapag ang kaharian ay mahati laban sa kaniyang sarili, ang kahariang iyon ay hindi makatayo. 25 At kapag ang sambahayan ay mahati laban sa kaniyang sarili, ang sambahayang iyon ay hindi makatayo. 26 At kung si Satanas ay maghimagsik laban sa kaniyang sarili at nagkabaha-bahagi na, hindi siya makatayo kundi siya ay nagkakaroon ng wakas. 27 Walang sinuman ang makakapasok sa bahay ng taong malakas upang samsamin ang kaniyang mga kagamitan maliban na maigapos muna niya ang taong malakas at saka pa lamang niya sasamsamin ang mga kagamitan sa bahay ng taong malakas.” 28 “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, patatawarin ang lahat ng mga kasalanan sa mga anak ng sangkatauhan at ang anumang kalapastanganan na kanilang maipaglapastangan, 29 ngunit kapag ang sinuman ay maglapastangan laban sa Banal na Espiritu, siya ay walang kapatawaran magpakailanman, sa halip, siya ay nasa ilalim ng walang hanggang kahatulan.” 30 Sinabi nila, “Mayroon siyang karumal-dumal na espiritu.” Matthew 1222 Pagkatapos nito ay dinala sa kaniya ang isang inaalihan ng demonyo na bulag at pipi. Siya ay pinagaling ni Jesus kung kaya ang bulag at pipi ay nakakita at nakapagsalita. 23 At ang lahat ng napakaraming tao ay namangha at sinabi, “Hindi ba ito ang Anak ni David?” 24 Ngunit nang narinig ito ng mga Fariseo ay kanilang sinabi, “Ang taong ito ay hindi nagpapalayas ng mga demonyo, maliban sa pamamagitan ni Beelzebub na pinuno ng mga demonyo.” 25 Ngunit yamang alam ni Jesus ang kanilang mga kaisipan, sinabi niya sa kanila, “Ang bawat kaharian na nagkakabaha-bahagi laban sa kaniyang sarili ay nawawasak at ang bawat lungsod o sambahayan na nagkakabaha-bahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi makakatayo. 26 At kung si Satanas ang nagpapalayas kay Satanas, siya ay nababahagi laban sa kaniyang sarili. Kaya papaano makakatayo ang kaniyang kaharian? 27 At kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino naman nagpapalayas ang inyong mga anak? Dahil dito, sila ang magiging tagapaghatol ninyo. 28 Ngunit kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, walang pag-aalinlangan na ang paghahari ng Diyos ay dumating na sa inyo. 29 O paano makakayang pumasok ng isang tao sa bahay ng isang malakas na tao upang masamsam ang kaniyang mga kagamitan kung hindi niya muna maigapos ang malakas na tao? At pagkatapos ay sasamsamin niya ang nasa bahay ng malakas na tao. 30 Siya na hindi sumasama sa akin ay laban sa akin at siya na hindi nakikipagtipong kasama ko ay nangangalat. 31 “Dahil dito ay sinasabi ko sa inyo, ang bawat kasalanan at paglapastangan ay ipapatawad sa mga tao, ngunit ang paglapastangan laban sa Espiritu ay hindi ipapatawad sa mga tao. 32 At ang sinumang magsasalita laban sa Anak ng Tao, ito ay ipapatawad sa kaniya, ngunit ang sinumang magsasalita laban sa Banal na Espiritu, ito ay hindi ipapatawad sa kaniya sa kapanahunang ito, ni sa darating pa. 33 “Gawin ninyong mabuti ang punongkahoy at ang bunga nito ay mabuti, o kaya gawin ninyong masama ang punongkahoy at ang bunga nito ay masama sapagkat ang punongkahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga. 34 Mga lahi ng ulupong! Papaano ninyo nagagawang magsalita ng mabubuting bagay yamang kayo ay masasama? Sapagkat mula sa kasaganaan ng puso, ang bibig ay nagsasalita. 35 Ang mabuting tao ay nagbubunga ng mabubuting bagay mula sa mabuting kayamanan ng puso at ang masamang tao ay nagbubunga ng masasamang bagay mula sa masamang kayamanan ng puso. 36 Ngunit sinasabi ko sa inyo na sa bawat salitang walang kabuluhan na sasabihin ng mga tao, sila ay magbibigay-sulit patungkol dito sa araw ng paghuhukom 37 sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga salita ay mapapawalang-sala ka at sa pamamagitan ng iyong mga salita ay hahatulan ka.” |