31 At pagkaalis ni Jesus mula sa mga hangganan ng Tiro at Sidon, siya ay muling pumunta patungo sa dagat ng Galilea, na dumaan sa gitna ng mga hangganan ng Decapolis.32 At kanilang dinala kay Jesus ang lalaking bingi na nahihirapang magsalita at sila ay nagsumamo sa kaniya na maipatong niya sa lalaking ito ang kaniyang kamay.33 At nang nailayo siya nang bukod mula sa napakaraming tao, inilagay ni Jesus ang kaniyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki, at pagkatapos dumura ni Jesus, hinawakan niya ang dila ng lalaki.34 Nang siya ay tumingala sa langit, siya ay dumaing at sinabi sa lalaki, “Efata” na ang ibig sabihin ay “Bumukas ka.”35 At ang mga tainga ng lalaki ay nabuksan kaagad at nakalag ang pumipigil sa kaniyang dila at nagsasalita na siya nang matuwid.36 Kaya binilinan sila ni Jesus na hindi nila ito dapat sabihin kaninuman. Ngunit habang sila ay pinagbabawalan, lalo naman nila itong ipinamamalita.37 At sila ay lubhang nanggigilalas na sinasabi, “Mabuti ang lahat ng kaniyang ginawa. Ginagawa niyang ang mga bingi ay makarinig at ang mga pipi ay makapagsalita.”