12 At nangyari nang siya ay nasa isa sa mga lungsod, may lalaking puno ng ketong at nang nakita niya si Jesus, siya ay nagpatirapa sa kaniyang harapan at humiling sa kaniya na sinasabi, “Panginoon, kung nanaisin mo, magagawa mong linisin ako.”13 Iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at siya ay kaniyang hinawakan na sinasabi, “Nais ko, maging malinis ka.” At ang ketong ay kaagad naalis sa kaniya.14 Iniutos ni Jesus sa kaniya, “Huwag mo itong sasabihin sa kaninuman. Ngunit humayo ka at ipakita mo ang iyong sarili sa saserdote at ikaw ay maghandog para sa pagkalinis mo ayon sa iniutos ni Moises bilang patotoo sa kanila.”15 Subalit lalo pang kumalat ang balita patungkol kay Jesus kaya patuloy na dumarating ang lubhang maraming tao upang makinig at upang pagalingin niya sa kanilang mga sakit.16 Ngunit si Jesus ay palaging umaalis patungo sa ilang at nanalangin.
Mark 1
40 May ketonging lumapit kay Jesus na namamanhik at naninikluhod, at sinabi sa kaniya, “Kung nais mo, malilinis mo ako!”41 Nahabag si Jesus, iniabot ang kaniyang kamay at hinawakan ang ketongin na sinasabi, “Ibig ko, maging malinis ka.”42 Pagkasabi nito sa kaniya ni Jesus, nawala kaagad ang ketong at luminis siya.43 Kaya mahigpit siyang binilinan ni Jesus at pinaalis kaagad44 na sinasabi sa kaniya, “Ingatan mong huwag sasabihin kaninuman ang nangyaring ito, sa halip ay humayo ka mismo at magpakita ka sa saserdote. Magdala ka ng handog para sa iyong pagkalinis ayon sa iniutos ni Moises bilang patotoo sa kanila.”45 Ngunit nang siya ay lumabas, sinimulan niyang ipinamalita at ipinangalat sa marami ang nangyari. Dahil dito, hindi na hayagang makapasok sa lungsod si Jesus. Nanatili na lamang siya sa labas na mga liblib na pook, kaya pinuntahan siya ng mga taong nagmula sa iba't ibang dako.
Matthew 8
1 Nang si Jesus ay bumaba mula sa bundok, siya ay sinundan ng lubhang napakaraming tao.2 At narito, may lumapit na isang ketongin at sinamba siya na nagsasabi, “Panginoon kung nanaisin mo ay makakaya mong linisin ako.”3 Iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya na nagsasabi, “Ninanais ko. Maging malinis ka.” At ang kaniyang ketong ay nalinis kaagad.4 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ingatan mo na hindi ito masabi kaninuman sa halip ay humayo ka at ipakita mo ang iyong sarili sa saserdote at maghain ka ng kaloob ayon sa inutos ni Moises bilang patotoo sa kanila.”