17 Ang sinumang wawasak sa banal na dako ng templo ng Diyos, siya ay wawasakin ng Diyos sapagkat ang banal na dako ng templo ng Diyos ay banal, at kayo ang dakong iyon.
Mark 11
15 At sila ay dumating sa Jerusalem at pagpasok ni Jesus sa templo, sinimulan niyang itaboy ang mga nagtitinda at ang mga namimili sa templo, at itinaob niya ang mga mesa ng mga mamamalit-salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.
Matthew 21
12 At si Jesus ay pumasok sa templo ng Diyos at itinaboy niya ang lahat ng mga nagtitinda at mga namimili sa templo at itinaob niya ang mga mesa ng mga mamamalit-salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.
Matthew 23
16 “Sa inyong aba, mga bulag na tagaakay! Kayo na nagsasabi, ‘Ang sinumang manumpa sa pamamagitan ng banal na dako ng templo, ito ay walang kabuluhan. Ngunit ang sinumang manumpa sa pamamagitan ng ginto ng banal na dako ng templo, siya ay may pananagutan.’
Matthew 24
1 At nang si Jesus ay lumabas at umalis mula sa templo, ang kaniyang mga alagad ay lumapit upang ipakita sa kaniya ang mga gusali ng templo.