1 Sinabi ni Jesus ang mga ito at itinanaw niya ang kaniyang mga mata sa langit at nagsabi, “Ama ang oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang iyong Anak upang luwalhatiin ka rin ng iyong Anak2 kung paanong ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng tao upang ang lahat na ibinigay mo sa kaniya ay mabigyan ng buhay na walang hanggan.3 At ito ang buhay na walang hanggan upang makilala ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si Jesu-Cristo na iyong isinugo.
John 17
9 “Ako ay humihingi alang-alang sa kanila. Hindi ako humihingi para sa sangkatauhan kundi alang-alang sa kanila na ibinigay mo sa akin sapagkat sila ay sa iyo.10 Ang lahat ng mga nasa akin ay sa iyo, ang mga sa iyo ay sa akin at ako ay naluwalhati sa kanila.