18 Sapagkat ang salita patungkol sa krus ay kamangmangan nga sa kanila na mga napahamak, ngunit sa atin na mga ligtas, ito ay kapangyarihan ng Diyos
1 Peter 2
24 Siya mismo ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang sariling katawan sa kahoy, upang tayo na mga patay sa kasalanan ay mabuhay sa katuwiran, at dahil sa kaniyang latay ay gumaling kayo
John 10
11 “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay alang-alang sa mga tupa.
Luke 24
6 Wala siya rito, ngunit siya ay nagbangon. Alalahanin ninyo kung paano niya sinabi sa inyo nang siya ay nasa Galilea pa,7 na nagsasabi, ‘Ang Anak ng Tao ay kinakailangang ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao at ipako sa krus at babangon sa ikatlong araw.’ ”
Matthew 10
38 At siya na hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
Philippians 2
6 na bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na dapat angkinin ang pagiging kapantay ng Diyos.7 Sa halip ay ibinaba ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagkuha ng anyo ng alipin sa pagiging kawangis ng tao.8 At yamang siya ay natagpuan sa anyong katulad ng tao, ipinakumbaba niya ang kaniyang sarili at naging masunurin hanggang sa kamatayan, kahit sa kamatayan sa krus.