5 “Sabihin ninyo sa anak na babae ng Zion, Isa 62:11 ‘Narito, ang iyong hari ay dumarating sa iyo. Siya ay maamo at nakasakay sa isang asno, sa bisirong anak ng asno.’ ” Zak 9:96 Kaya lumakad ang mga alagad at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ni Jesus.7 At kinuha nila ang asno at ang bisiro, at ipinatong nila sa mga ito ang kanilang mga damit at siya ay iniupo nila sa mga ito.8 At ang lubhang napakaraming tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga mula sa mga punongkahoy at inilatag sa daan.9 At ang napakaraming tao na nauuna sa kaniya at ang mga sumusunod sa kaniya ay sumigaw na sinasabi, “Hosana sa Anak ni David! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:25-26 Hosana sa kataas-taasan!”
Zechariah 9
9 Magalak kang mainam, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito, ang iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae.