12 Kinabukasan, nang narinig nila na si Jesus ay paparating sa Jerusalem, maraming mga tao na nanggaling sa kapistahan13 ang kumuha ng mga tangkay ng punong palma at lumabas upang salubungin siya at sumigaw, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon,’ Awi 118:25-26 ang Hari ng Israel!”14 Nang natagpuan ni Jesus ang isang batang asno, sumakay siya rito kagaya ng nasusulat,15 “Huwag kang matakot, anak na babae ng Zion! Narito, ang iyong hari ay dumarating na nakasakay sa bisiro.” Zak 9:9
Matthew 21
1 Nang sila ay malapit na sa Jerusalem at dumating sa Betfage, patungo sa bundok ng mga Olibo, sa oras na iyon, si Jesus ay nagsugo ng dalawang alagad2 na sinasabi sa kanila, “Pumaroon kayo sa nayon na nasa unahan ninyo at kayo ay makakatagpo kaagad ng isang nakataling asno na may kasamang isang bisiro. Kalagan sila at dalhin ninyo sa akin.3 At kapag may magsabi sa inyo ng anuman, ito ang sasabihin ninyo, ‘Kailangan sila ng Panginoon’ at sila ay kaagad niyang ipapadala.”4 At ang lahat ng ito ay nangyari upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta na sinasabi,5 “Sabihin ninyo sa anak na babae ng Zion, Isa 62:11 ‘Narito, ang iyong hari ay dumarating sa iyo. Siya ay maamo at nakasakay sa isang asno, sa bisirong anak ng asno.’ ” Zak 9:9