Pietari jakaa uskonsa pakanoiden kanssa, Cornelius polvistuu Pietarin edessä, mutta Pietari käskee Korneliusta nousemaan ylös, koska hän on vain toinen mies.
24 Kinabukasan, sila ay dumating sa Cesarea. Ngunit habang naghihintay si Cornelio sa kanila, tinipon niya ang kaniyang mga kamag-anak at matalik na mga kaibigan.25 At nangyari, na sa pagpasok ni Pedro, siya ay sinalubong ni Cornelio at nagpatirapa sa kaniyang paanan at sinamba siya.26 Ngunit itinindig siya ni Pedro na sinasabi, “Tumayo ka, ako ay tao rin naman.”27 At habang nagsasalita siya sa kaniya, siya ay pumasok at nakita niyang marami ang nagkatipun-tipon.28 Sinabi niya sa kanila, “Nauunawaan ninyo na hindi ipinapahintulot sa lalaking Judio na makisama o lumapit sa isang banyaga. Ngunit ipinakita sa akin ng Diyos na huwag sabihing karaniwan o marumi ang sinumang tao.