"Minä saan sen!"
| Secondary Keywords | ilawan pagbabasa Poika poika |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 14:15-26 |
John 1415 Kung iniibig ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga utos.16 “Hihingi ako sa Ama at bibigyan niya kayo ng ibang Mang-aaliw upang siya ay mananatili sa inyo magpakailanman,17 siya ang Espiritu ng Katotohanan. Hindi siya matatanggap ng sangkatauhan sapagkat siya ay hindi nito nakikita, ni hindi nito nakikilala. Kilala ninyo siya sapagkat siya ay nananatiling kasama ninyo at sasainyo.18 “Hindi ko kayo iiwanan na mga ulila, ako ay babalik sa inyo.19 Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sangkatauhan ngunit nakikita ninyo ako. Yamang ako ay nabubuhay, kayo rin naman ay mabubuhay.20 Sa araw na iyon ay malalaman ninyo na ako ay nasa aking Ama. Kayo naman ay nasa akin at ako ay nasa inyo.21 Siya na nagtataglay ng aking mga utos at tumutupad sa mga ito ay siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama. Siya ay iibigin ko at ipahahayag ko sa kaniya ang aking sarili.”22 Sinabi sa kaniya ni Judas na hindi taga-Keriot, “Panginoon, ano ang nangyari dahil sa amin mo ipapahayag ang iyong sarili at hindi sa sangkatauhan?”23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Kung ang sinuman ay umiibig sa akin, tutuparin niya ang aking mga salita at iibigin siya ng aking Ama. Kami ay pupunta sa kaniya at mananahan na kasama niya.24 Siya na hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga salita. Ang salita na inyong naririnig ay hindi sa akin kundi sa Ama na nagsugo sa akin.25 “Ang mga ito ay sinabi ko sa inyo habang ako ay nananatiling kasama ninyo.26 Ang Mang-aaliw, ang Banal na Espiritu, na siyang susuguin ng Ama sa pangalan ko ang magtuturo sa inyo ng lahat at ipapaalala sa inyo ng lahat ng mga sinabi ko sa inyo. | |








