44 At sinabi niya sa kanila, “Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay na nasusulat sa mga Kautusan ni Moises at sa mga aklat ng mga Propeta at sa mga awit patungkol sa akin.”45 Pagkatapos ay binuksan niya ang kanilang mga pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan.46 At sinabi niya sa kanila, “Sa ganitong paraan ito ang nasusulat at sa ganitong paraan ang Cristo ay kinakailangang dumanas ng paghihirap subalit babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw.47 At upang ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan sa kaniyang pangalan ay maihayag sa lahat ng mga bansa simula sa Jerusalem.48 At kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.