16 Siya ay pumunta sa Nazaret kung saan siya lumaki, at ayon sa kaniya nang kinaugalian, siya ay pumasok sa sinagoga sa araw ng Sabat at siya ay tumayo upang magbasa.
Matthew 4
23 At nilibot ni Jesus ang buong Galilea na nagtuturo sa kanilang mga sinagoga at ipinapahayag ang ebanghelyo ng paghahari at pinapagaling ang bawat uri ng sakit at bawat uri ng karamdaman ng tao.