1 At nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit na tinataglay ang susi ng walang hanggang kalaliman at nasa kaniyang kamay ang isang malaking tanikala.2 At hinuli niya ang dragon, ang sinaunang ahas na siyang diyablo at Satanas, at siya ay ginapos niya sa loob ng isang libong taon,3 at itinapon siya ng anghel sa walang hanggang kalaliman at sinarahan siya at senelyuhan ang ibabaw nito hanggang sa matapos ang isang libong taon upang hindi na niya madaya ang mga bansa. Ngunit pagkatapos ng mga bagay na ito, siya ay kinakailangang palayain sa maikling panahon.