Kirjoittanut Candlelight
| Avainsanat | Ebanghelyo mag-scroll magsulat mensahe mga aklat pagsulat panulat sinulat ng kamay sulatan |
|---|---|
| Secondary Keywords | Henki Henki inspirasyon kandila Kirjoituksia mahusay manunulat mensahero nagbibigay-inspirasyon pahimakas papel pinukaw profetia propeta pumukaw Pyhä Raamattu valon valo |
| Mga Banal na Kasulatan | 2 Peter 11 Si Simon Pedro ang alipin at apostol ni Jesu-Cristo, sa kanila na kasama naming tumanggap ng gayunding napakahalagang pananampalataya sa pamamagitan ng katuwiran ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, 2 sumagana nawa sa inyo ang biyaya at ang kapayapaan sa pamamagitan ng lubos na pagkakilala sa Diyos at kay Jesus na ating Panginoon. 3 Ayon sa kaniyang banal na kapangyarihan ay ipinagkaloob sa atin nang walang bayad ang lahat ng mga bagay na nauukol sa buhay at sa pagiging makadiyos, sa pamamagitan ng lubos na pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang kaluwalhatian at kapurihan. 4 Sa pamamagitan nito ay ipinagkaloob sa atin nang walang bayad ang pinakadakila at pinakamahalagang mga pangako, upang sa pamamagitan ng mga ito ay maging kabahagi kayo ng kalikasang makadiyos yamang kayo ay nakatakas mula sa kabulukan na nasa sanlibutan dahil sa masamang pagnanasa. 5 Dahil din dito ay buong sikap ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kagandahang-asal, at sa kagandahang-asal ay ang kaalaman, 6 at sa kaalaman ay ang pagpipigil sa sarili, at sa pagpipigil sa sarili ay ang pagtitiis, at sa pagtitiis ay ang pagiging makadiyos, 7 at sa pagiging makadiyos ay ang pagmamahal sa kapatid, at sa pagmamahal sa kapatid ay ang pag-ibig, 8 sapagkat kung ang mga ito ay tinataglay ninyo at lubos na nananagana sa inyo, hindi kayo magiging tamad o walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesu-Cristo. 9 Ngunit ang sinumang wala ang mga katangiang ito ay bulag, maiksi ang pananaw at nagkaroon ng pagkalimot sa pagkalinis sa dati niyang mga kasalanan. 10 Dahil dito mga kapatid, lalo ninyong pagsikapan na ang pagkatawag at pagkapili sa inyo ay tiyak sapagkat kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito ay hindi kayo matitisod kailanman, 11 dahil sa ganitong paraan ay ibibigay sa inyo ang masaganang pagpasok sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. 12 Dahil dito, ako ay hindi magpapabaya na kayo ay palaging paalalahanan patungkol sa mga bagay na ito bagaman alam na ninyo ang mga ito at kahit na kayo ay pinatatag na sa katotohanang nasa inyo. 13 Oo, iniisip ko na nararapat na kayo ay gisingin sa pamamagitan ng pagpapaalala sa inyo habang ako ay nasa tabernakulong ito, 14 yamang alam ko na, na hindi magtatagal ang paglisan ko sa aking tabernakulong ito ayon din sa ipinakita sa akin ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Gayunpaman, magsisikap ako na mailagay ninyo palagi sa inyong alaala ang mga bagay na ito pagkatapos ng aking pagpanaw. 16 Sapagkat kami ay hindi sumunod sa mga alamat na tusong binalangkas, nang ipinakilala namin sa inyo ang patungkol sa kapangyarihan at kapahayagan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa halip, kami ay naging mga saksi ng kaniyang kadakilaan. 17 Dahil tinanggap niya mula sa Diyos Ama ang karangalan at ang kaluwalhatian nang dumating sa kaniya yaong tinig mula sa napakadakilang kaluwalhatian, “Ito ang pinakamamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.” Mat 17:5; Mar 9:7; Luc 9:35 18 At ang tinig na ito ay aming narinig mula sa langit nang kami ay kaniyang isinama sa banal na bundok. 19 At tinataglay namin ang higit na mapagkakatiwalaang salita ng mga propeta kung saan ay mabuti ang inyong ginagawa, sapagkat sinusunod ninyo ang mga ito katulad ng ilawan na nagliliwanag sa madilim na lugar hanggang sa ang araw ay magbukang liwayway at ang tala ng umaga ay sumikat sa inyong mga puso. 20 Dahil ito ang una ninyong nalaman, na ang bawat pahayag sa Kasulatan ay hindi nangyari sa sarili nitong paliwanag 21 sapagkat ang pahayag ay hindi dumating sa pamamagitan ng kalooban ng tao, ngunit ang mga banal na tao ng Diyos ay nagsalita habang sila ay ginagabayan ng Banal na Espiritu. |








