1 Kinaumagahan, ang lahat ng mga punong saserdote at ang matatanda ng bayan ay nagdaos ng sanggunian laban kay Jesus upang siya ay kanilang ipapatay.2 At pagkagapos nila sa kaniya, siya ay kanilang dinala at ibinigay kay Pontio Pilato na gobernador.
Matthew 27
11 Si Jesus ay tumayo sa harap ng gobernador at siya ay tinanong ng gobernador na sinasabi, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” At si Jesus ay sumagot sa kaniya, “Ikaw ang nagsasabi.”12 At nang siya ay pinaparatangan ng mga punong saserdote at ng matatanda, siya ay walang isinagot.13 Kaya sinabi ni Pilato sa kaniya, “Hindi mo ba naririnig kung gaano karami ang kanilang ipinaparatang laban sa iyo?”14 At si Jesus ay hindi sumagot sa kaniya ng kahit isang salita, kung kaya ang gobernador ay labis na namangha.15 Ngunit tuwing kapistahan ay kinaugalian na ng gobernador na magpalaya sa napakaraming tao ng isang bilanggo na ninanais nila.