2 sapagkat kayo mismo ang lubos na nakaalam na ang Araw ng Panginoon ay dumarating katulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi.
2 Peter 3
10 Ngunit ang Araw ng Panginoon ay darating katulad ng magnanakaw sa gabi kung saan ang kalangitan ay mapaparam na may malakas na ugong at ang mga sangkap na bumubuo nito ay magugunaw sa pamamagitan ng napakatinding init at ang lupa at ang mga gawa na naroroon ay matutupok.
Acts 1
10 At habang sila ay nakatitig sa langit, sa kaniyang pagpaitaas, narito, dalawang lalaki na may puting kasuotan ang tumayo sa tabi nila.11 At sila din ay nagsabi, “Mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayong nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik sa paraang katulad sa nakita ninyong pagpunta niya sa langit.”
Hebrews 9
28 sa gayunding paraan si Cristo na walang kasalanan, nang minsang inihandog upang batahin ang mga kasalanan ng marami sa ikalawang pagkakataon, ay magpapakita sa kanila na mga naghihintay na may pananabik sa kaniya para sa kaligtasan.
Matthew 24
27 sapagkat kung paanong ang kidlat ay lumalabas mula sa silangan at nagliliwanag hanggang sa kanluran, magiging gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao