26 At ang batang si Samuel ay lumalaki, at kinalulugdan ng Panginoon at ng mga tao rin naman.
Genesis 22
2 At kaniyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.
Luke 2
40 Ang bata ay lumaki at lumakas sa espiritu na napuspos ng karunungan at ang biyaya ng Diyos ay sumakaniya.
Luke 2
41 Ang kaniyang mga magulang ay pumupunta sa Jerusalem taun-taon para sa Pista ng Paglagpas.42 At nang si Jesus ay labindalawang taong gulang na, sila ay umahon sa Jerusalem ayon sa kaugalian ng kapistahan.
Luke 2
52 At si Jesus ay lumago sa karunungan at sa pangangatawan at sa pagbibigay lugod sa Diyos at sa mga tao.