Jeesus Jeesus
| Secondary Keywords | ani imbitasyon Jeesus Jeesus Jeesus Kristus john bakal Joulu mag-anyaya Pacific press publishing taniman ng ubas |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 15:1-10 |
John 151 “Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga.2 Ang bawat sanga na nasa akin na hindi nagbubunga ay inaalis niya at ang bawat sangang nagbubunga ay nililinis niya upang magbunga pa ng marami.3 Kayo ay malinis na sa pamamagitan ng salita na sinalita ko sa inyo.4 Manatili kayo sa akin at ako sa inyo. Kung paanong ang sanga ay hindi makakapamunga sa kaniyang sarili maliban na ito ay manatili sa puno ng ubas, hindi rin kayo makakapamunga maliban na manatili kayo sa akin.5 “Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Siya na nananatili sa akin at ako sa kaniya, siya ay magbubunga nang sagana sapagkat kung hiwalay kayo sa akin hindi kayo makakagawa ng anuman.6 Kung ang sinuman ay hindi manatili sa akin, siya ay itinatapon sa labas katulad ng sanga at ito ay natutuyo. Kanilang tinitipon ang mga iyon at itinatapon sa apoy kaya ang mga ito ay nasusunog.7 Kung kayo ay manatili sa akin at ang aking mga salita ay manatili sa inyo, hihilingin ninyo ang anumang inyong nanaisin at ito ay mangyayari sa inyo.8 Sa ganito naluluwalhati ang aking Ama upang kayo ay makakapamunga ng sagana at kayo ay magiging aking mga alagad.9 “Kung paanong inibig ako ng Ama ay inibig ko rin kayo. Manatili kayo sa aking pag-ibig.10 Kung matupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig kung paanong tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at nananatili sa kaniyang pag-ibig. | |








