15 At dinala rin nila sa kaniya ang mga sanggol upang sila ay mahawakan niya. Ngunit nang nakita ito ng mga alagad, sila ay kanilang sinaway.16 Ngunit tinawag sila ni Jesus sa kaniya at sinabi, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata at huwag ninyo silang pigilan sapagkat ang paghahari ng Diyos ay para sa mga katulad nila.17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tatanggap sa paghahari ng Diyos katulad ng isang maliit na bata ay hinding-hindi makakapasok doon.”
Matthew 19
13 Pagkatapos nito, dinala sa kaniya ang maliliit na bata upang maipatong niya ang kaniyang kamay sa kanila at sila ay ipanalangin ngunit sila ay sinaway ng mga alagad.14 Ngunit sinabi ni Jesus, “Pahintulutan ninyo ang maliliit na bata at huwag ninyo silang hadlangang makalapit sa akin sapagkat para sa mga katulad nila ang paghahari ng langit.”15 At pagkatapos niyang ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kanila, siya ay umalis doon.