28 “Kaya matuto kayo mula sa talinghaga ng puno ng igos. Kapag ang sanga nito ay magiging sariwa at umuusbong na ang mga dahon, nalalaman ninyo na malapit na ang tag-init.29 Gayundin naman kayo, kapag makita ninyong nangyayari ang mga bagay na ito, alamin ninyo na siya ay malapit na, nasa mga pintuan na.30 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, kailanman ay hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito.31 Ang langit at ang lupa ay lilipas, subalit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman.32 “Ngunit patungkol sa araw o sa oras na iyon, walang sinuman ang nakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama.33 Mag-ingat kayo, magmasid kayo at manalangin kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang panahon.34 Ito ay katulad ng isang taong manlalakbay na iniwan niya ang kaniyang bahay, at binigyan niya ng kapamahalaan ang kaniyang mga alipin, at binigyan ang bawat isa ng sariling gawain, at inutusan din niya ang bantay-pintuan na siya ay magbantay.35 Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang panginoon ng bahay, sa gabi, o sa hatinggabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga,36 upang sa bigla niyang pagdating ay hindi niya kayo matagpuang natutulog.37 Kaya ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat. Magbantay kayo!”