12 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halina kayo at mag-agahan.” Subalit walang sinuman sa mga alagad ang naglakas-loob na magtanong sa kaniya, “Sino ka?” sapagkat alam nila na ang Panginoon iyon.13 Kaya lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila, ganoon din ang ginawa niya sa isda.14 Ito na ang pangatlong pagpapakita ni Jesus sa kaniyang mga alagad mula nang siya ay ibinangon mula sa mga patay.