Jeesus ja Johannes
| Secondary Keywords | buhay Jeesus Jeesus Juan Kaste maaga Ministeriö pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 1:15-34 Lucas 3:1-18 Marcos 1:2-8 Matthew 3:1-12 |
John 115 Si Juan ay nagpapatotoo patungkol sa kaniya at sumigaw na nagsasabi, “Siya ang aking sinasabi, ‘Ang paparitong kasunod ko ay higit kaysa akin sapagkat siya ay una sa akin.’ ”16 At mula sa kaniyang kapuspusan, tayong lahat ay tumanggap din ng tuluy-tuloy na biyaya,17 sapagkat ang Kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang biyaya at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.18 Walang taong nakakita kailanman sa Diyos. Ang bugtong na Anak na nasa piling ng Ama ang siyang naghayag sa kaniya.19 Ito ang patotoo ni Juan nang isugo sa kaniya ng mga pinuno ng mga Judio ang mga saserdote at mga Levita mula sa Jerusalem upang tanungin siya, “Sino ka?”20 Siya ay nagtapat at hindi nagkaila. Kaniyang ipinagtapat, “Hindi ako ang Cristo.”21 Siya ay tinanong nila, “Sino ka ba talaga? Ikaw ba si Elias?” Sinabi niya, “Hindi ako.” “Ikaw ba ang propeta?” Sumagot siya, “Hindi.”22 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Sino ka ba talaga? Sabihin mo sa amin nang sa gayon ay maibigay namin ang sagot sa nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo patungkol sa iyong sarili?”23 Sinabi niya, “Ako ‘yaong tinig na sumisigaw sa ilang. “Tuwirin ninyo ang landas ng Panginoon” ’ Isa 40:3 katulad ng sinabi ni Isaias na propeta.”24 Sila na mga isinugo ay nagmula sa mga Fariseo.25 Siya ay tinanong nila at sinabi sa kaniya, “Kung gayon, bakit ka nagbabawtismo yamang hindi ikaw ang Cristo, ni si Elias, ni ang propeta?”26 Sumagot si Juan sa kanila na sinasabi, “Ako ay nagbabawtismo sa tubig, ngunit may isang nakatayo sa inyong kalagitnaan na hindi ninyo kinikilala.27 Siya ang pumaparitong kasunod ko na higit kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak.”28 Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Betabara, sa ibayo ng Jordan na pinagbabawtismuhan ni Juan.29 Kinabukasan nang nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sangkatauhan!30 Siya ang aking tinutukoy, ‘Ang paparitong kasunod ko ay isang lalaking higit kaysa sa akin sapagkat siya ay una sa akin.’31 Hindi ko siya kilala, ngunit ako ay naparitong nagbabawtismo sa tubig upang maihayag siya sa Israel.”32 Nagpatotoo si Juan na nagsasabi, “Nakita ko ang Espiritu na bumabang buhat sa langit katulad ng kalapati, at ito ay nananahan sa kaniya.33 Hindi ko siya kilala, ngunit ang nagsugo sa akin upang magbawtismo sa tubig, siya rin ang nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makikitang bumababa at nananahan ang Espiritu, siya ang magbabawtismo sa inyo sa Banal na Espiritu.’34 Aking nakita at pinatotohanan na siya ang Anak ng Diyos.” Luke 31 At sa ikalabinlimang taon ng paghahari ni Tiberio Cesar, habang ang gobernador sa Judea ay si Pontio Pilato, at ang tetrarka sa Galilea ay si Herodes, at ang kaniyang nakababatang kapatid na si Felipe ang tetrarka sa Iturea at sa lalawigan ng Traconite, at ang tetrarka sa Abilinia ay si Lisanias,2 at sina Anas at Caifas ang mga pinakapunong saserdote, ang salita ng Diyos ay dumating sa ilang kay Juan na anak ni Zacarias.3 Siya ay pumunta sa buong lupain sa palibot ng Jordan na ipinapangaral ang bawtismo ng pagsisisi dahil sa kapatawaran ng mga kasalanan.4 Ganito ang nasusulat sa aklat ng mga salita ni propeta Isaias na sinasabi, “Ang tinig ng sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang kaniyang mga landas.5 Ang bawat bangin ay tatambakan at ang bawat bundok at burol ay papatagin at ang mga liko ay gawing matuwid at ang mga baku-bako ay gawing pantay na mga daan.6 At makikita ng lahat ng mga tao ang pagliligtas ng Diyos.’ ” Isa 40:3-57 Kaya sinabi niya sa napakaraming tao na lumabas upang magpabawtismo sa kaniya, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas mula sa poot na dumarating?8 Kaya kayo ay mamunga ng mga bunga na karapat-dapat sa pagsisisi. At huwag kayong magsimulang magsabi sa inyong sarili, ‘Mayroon kaming Ama, si Abraham.’ Sapagkat sinasabi ko sa inyo na makakaya ng Diyos na magtindig ng mga anak para kay Abraham mula sa mga batong ito.9 Ngunit ngayon din ay nakalapat na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy. Kaya ang bawat punongkahoy na hindi namumunga ng mabuting bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.”10 At siya ay tinanong ng napakaraming tao na sinasabi, “Ano ngayon ang aming gagawin?”11 At siya ay sumagot na sinasabi sa kanila, “Magbahagi ang may dalawang tunika sa kaniya na wala at gayundin ang gawin ng may mga pagkain.”12 At dumating din ang mga maniningil ng buwis upang magpabawtismo, at kanilang sinabi sa kaniya, “Guro, ano ang aming gagawin?”13 At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong maningil ng buwis nang higit sa nakatakda sa inyong sinisingil.”14 At ang mga kawal ay nagtanong sa kaniya na sinasabi, “At kami, ano ang aming gagawin?” At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mangingikil, ni magpaparatang kaninuman. Masiyahan kayo sa inyong sahod.”15 Ngunit habang ang mga tao ay umaasa at ang lahat ay nagmumuni-muni sa kanilang mga puso patungkol kay Juan kung siya nga ang Cristo o hindi,16 si Juan ay sumagot sa kanilang lahat na sinasabi, “Binabawtismuhan ko nga kayo sa tubig, ngunit dumarating ang isang higit na dakila kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak. Kayo ay babawtismuhan niya ng Banal na Espiritu at ng apoy.17 Ang pantahip ay nasa kaniyang kamay at lilinisin niya nang lubusan ang kaniyang giikan. Kaniyang titipunin ang trigo sa kaniyang kamalig subalit ang ipa ay kaniyang tutupukin sa apoy na hindi namamatay.”18 Kaya nga, kahit sa maraming iba pang mga bagay ay kaniyang ipinapangaral ang ebanghelyo sa mga tao sa pamamagitan ng pagsusumamo. Mark 12 tulad ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, “Narito, isinusugo ko ang aking sugo na nauuna sa iyo. Siya ang maghahanda ng iyong daraanan sa unahan mo.” Mal 3:13 “May tinig ng isang sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.’ ” Isa 40:34 Si Juan na tagapagbawtismo ay dumating sa ilang upang ipangaral ang bawtismo ng pagsisisi dahil sa kapatawaran ng mga kasalanan.5 At pumunta sa kaniya ang lahat ng mga nasa lalawigan ng Judea at lahat ng mga taga-Jerusalem. At silang lahat ay nagpabawtismo sa kaniya sa ilog Jordan, na ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan.6 At nakadamit si Juan ng kasuotang yari sa balahibo ng kamelyo at sa baywang niya ay may pamigkis na balat ng hayop. Ang kaniyang kinakain ay mga balang at pulut-pukyutan.7 At siya ay nangaral na sinasabi, “Ang sumusunod sa hulihan ko ay higit na makapangyarihan kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat yumukod at magkalag ng tali ng kaniyang mga pangyapak.8 Kayo nga ay binawtismuhan ko sa pamamagitan ng tubig, ngunit kayo ay babawtismuhan niya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.” Matthew 31 At sa mga araw na iyon ay dumating si Juan na tagapagbawtismo na nangangaral sa ilang ng Judea,2 at nagsasabi, “Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.”3 Sapagkat siya yaong ipinahayag ni propeta Isaias na sinasabi, “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang landas ng Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang kaniyang mga landas.’ ” Isa 40:34 At si Juan mismo ay may damit na yari sa mga balahibo ng kamelyo at may pamigkis na balat ng hayop sa kaniyang baywang. At ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulut-pukyutan.5 Sa panahong iyon ay pumunta sa kaniya ang mga tao sa Jerusalem at ang buong Judea at ang buong lupain sa palibot ng Jordan,6 at sila ay nagpabawtismo sa kaniya sa ilog Jordan, na ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan.7 Ngunit nang nakita niya ang marami sa mga Fariseo at sa mga Saduseo na dumarating para sa kaniyang bawtismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas mula sa poot na dumarating?8 Kaya kayo ay mamunga ng mga bunga na karapat-dapat sa pagsisisi.9 At huwag ninyong isipin na sabihin sa inyong mga sarili, ‘Mayroon kaming ama, si Abraham.’ Sapagkat sinasabi ko sa inyo na makakaya ng Diyos na magtindig ng mga anak para kay Abraham mula sa mga batong ito.10 Ngunit ngayon din ay nakalapat na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy. Kaya ang bawat punongkahoy na hindi namumunga ng mabuting bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.11 Ako nga ang nagbabawtismo sa inyo sa tubig para sa pagsisisi, ngunit siya na dumarating na kasunod ko ay higit na makapangyarihan kaysa sa akin, na hindi ako karapat-dapat na magdala ng kaniyang pangyapak. Siya ang magbabawtismo sa inyo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at sa pamamagitan ng apoy.12 Ang kaniyang pantahip ay nasa kaniyang kamay at kaniyang lilinisin nang lubos ang kaniyang giikan at titipunin ang kaniyang trigo sa loob ng kamalig, ngunit ang ipa ay kaniyang tutupukin sa apoy na hindi namamatay.” | |








