Jeesus ja Juudas
| Secondary Keywords | Jesus judas pahimakas Pasko ng Pagkabuhay pasyon petetty Särkynyt Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 182 Si Judas na magkakanulo sa kaniya ay alam din ang lugar na iyon sapagkat si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay madalas na magtipon doon. 3 At dumating si Judas kasama ang batalyon ng mga kawal at mga opisyal mula sa mga punong saserdote at sa mga Fariseo. Dumating sila roon na may dalang mga sulo, mga ilawan at mga sandata. 4 Si Jesus nga na nakakaalam ng lahat ng mga bagay na magaganap sa kaniya ay lumabas at sinabi sa kanila, “Sino ang hinahanap ninyo?” 5 Sumagot sila sa kaniya, “Si Jesus na taga-Nazaret.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako nga.” Si Judas na magkakanulo sa kaniya ay nakatayo ring kasama nila. 6 Kaya nang kaniyang sinabi sa kanila, “Ako nga,” napaurong sila at natumba sa lupa. 7 Muli nga niya silang tinanong, “Sino ang hinahanap ninyo?” Sinabi nila, “Si Jesus na taga-Nazaret.” 8 Sumagot si Jesus, “Sinabi ko sa inyo na ako nga. Kung ako ang inyong hinahanap, payagan ninyong umalis ang mga ito,” 9 upang matupad ang salitang kaniyang sinabi, “Sa mga ibinigay mo sa akin ay wala akong ipinahamak kahit isa sa kanila.” 10 Si Simon Pedro nga ay may tabak, binunot niya ito at tinaga niya ang alipin ng pinakapunong saserdote at tinigpas ang kaniyang kanang tainga. Ang pangalan ng alipin ay Malcu. 11 Sinabi nga ni Jesus kay Pedro, “Ibalik mo ang iyong tabak sa kaluban. Hindi ko ba iinumin ang saro na ibinigay sa akin ng Ama?” 12 Hinuli nga si Jesus ng batalyon ng mga kawal, ng pinunong kapitan at ng mga opisyal ng mga pinuno ng mga Judio at siya ay kanilang ginapos. Luke 2247 Habang siya ay nagsasalita pa, narito, dumating ang napakaraming tao at siya na tinatawag na Judas na isa sa labindalawang alagad ay nauuna sa kanila at lumapit kay Jesus upang halikan siya. 48 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Judas, sa pamamagitan ba ng halik ay ipagkakanulo mo ang Anak ng Tao?” 49 Nang nakita ng mga nasa palibot niya kung ano ang mangyayari, sinabi nila, “Panginoon, mananaga ba kami?” 50 At ang isa mula sa kanila ay tinaga ang alipin ng pinakapunong saserdote at natanggal ang kaniyang kanang tainga. 51 Ngunit sumagot si Jesus na sinasabi, “Tigilan na ninyo ito.” At pagkahawak ni Jesus sa tainga ng alipin, siya ay kaniyang pinagaling. 52 Pagkatapos ay sinabi ni Jesus sa mga punong saserdote, mga kapitan ng templo at matatanda na dumating sa kaniya, “Lumabas ba kayong may mga tabak at pamalo kagaya ng panlaban sa isang tulisan? 53 Nang ako ay kasama ninyo sa templo araw-araw, hindi kayo nagbuhat ng mga kamay laban sa akin, ngunit sa inyo ang oras na ito at ang kapamahalaan ng kadiliman.” Mark 1443 And immediately, while he was still speaking, Judas came, one of the twelve, and with him a crowd with swords and clubs, from the chief priests and the scribes and the elders. 44 Now the betrayer had given them a sign, saying, “The one I will kiss is the man. Seize him and lead him away under guard.” 45 And when he came, he went up to him at once and said, “Rabbi!” And he kissed him. 46 And they laid hands on him and seized him. 47 But one of those who stood by drew his sword and struck the servant of the high priest and cut off his ear. 48 And Jesus said to them, “Have you come out as against a robber, with swords and clubs to capture me? 49 Day after day I was with you in the temple teaching, and you did not seize me. But let the Scriptures be fulfilled.” 50 And they all left him and fled. 51 And a young man followed him, with nothing but a linen cloth about his body. And they seized him, 52 but he left the linen cloth and ran away naked. Matthew 2647 At habang siya ay nagsasalita pa, narito, si Judas na isa sa labindalawa ay dumating at kasama niya ang lubhang napakaraming tao mula sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan na may mga tabak at mga pamalo. 48 Ngunit siya na nagkakanulo kay Jesus ay nagbigay sa kanila ng isang tanda, na sinasabi, “Ang sinumang hahalikan ko, siya iyon. Dakpin ninyo siya.” 49 At siya ay lumapit kaagad kay Jesus at sinabi, “Pagbati, Rabbi!” At magiliw niyang hinalikan si Jesus. 50 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kaibigan, ano ang dahilan ng iyong pagparito?” Sa oras na iyon, sila ay lumapit at hinawakan si Jesus at dinakip siya. 51 At narito, iniunat ang kamay ng isa sa mga kasama ni Jesus at binunot ang kaniyang tabak at tinaga ang alipin ng pinakapunong saserdote at pinutol ang kaniyang tainga. 52 Sinabi nga ni Jesus sa kaniya, “Ibalik mo ang iyong tabak sa lalagyan nito sapagkat ang lahat ng sinumang gumagamit ng tabak ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak. 53 Ipinapalagay mo bang hindi ko magagawa na manalangin ngayon sa aking Ama at siya ay magpapadala sa akin ng higit pa sa labindalawang lehiyon ng mga anghel? 54 Ngunit paano matutupad ang mga Kasulatan na dapat mangyari sa ganitong paraan?” 55 Sa oras ding iyon ay sinabi ni Jesus sa napakaraming tao, “Kayo ba ay pumarito na may mga tabak at mga pamalo upang hulihin ako na parang laban sa isang tulisan? Araw-araw akong umuupo at nagtuturo sa harap ninyo sa templo ngunit hindi ninyo ako dinakip. 56 Ngunit ang lahat ng ito ay nangyari upang matupad ang mga Kasulatan ng mga propeta.” Iniwan nga siya ng lahat ng mga alagad at tumakas. |