47 Habang siya ay nagsasalita pa, narito, dumating ang napakaraming tao at siya na tinatawag na Judas na isa sa labindalawang alagad ay nauuna sa kanila at lumapit kay Jesus upang halikan siya.48 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Judas, sa pamamagitan ba ng halik ay ipagkakanulo mo ang Anak ng Tao?”49 Nang nakita ng mga nasa palibot niya kung ano ang mangyayari, sinabi nila, “Panginoon, mananaga ba kami?”50 At ang isa mula sa kanila ay tinaga ang alipin ng pinakapunong saserdote at natanggal ang kaniyang kanang tainga.51 Ngunit sumagot si Jesus na sinasabi, “Tigilan na ninyo ito.” At pagkahawak ni Jesus sa tainga ng alipin, siya ay kaniyang pinagaling.52 Pagkatapos ay sinabi ni Jesus sa mga punong saserdote, mga kapitan ng templo at matatanda na dumating sa kaniya, “Lumabas ba kayong may mga tabak at pamalo kagaya ng panlaban sa isang tulisan?53 Nang ako ay kasama ninyo sa templo araw-araw, hindi kayo nagbuhat ng mga kamay laban sa akin, ngunit sa inyo ang oras na ito at ang kapamahalaan ng kadiliman.”
Mark 14
43 At habang nagsasalita pa lamang siya, si Judas na isa sa labindalawa ay dumating kaagad kasama ang lubhang napakaraming tao, na may dala-dalang mga tabak at mga pamalong kahoy, mula sa mga punong saserdote, sa mga eskriba at sa matatanda.44 Siya na nagkakanulo sa kaniya ay nagbigay ng hudyat sa kanila na sinasabi, “Siya na aking hahalikan, siya iyon. Dakpin ninyo siya at dalhing maingat.”45 Pagdating ni Judas, kaagad siyang lumapit kay Jesus na sinasabi, “Rabbi, Rabbi,” at magiliw niyang hinalikan si Jesus.46 Kaya hinawakan nila si Jesus at dinakip siya.47 Ngunit ang isa sa mga nakatayo roon ay bumunot ng tabak at tinaga niya ang alipin ng pinakapunong saserdote at pinutol ang kaniyang tainga.48 At nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kanila, “Pumunta ba kayo rito na may mga tabak at mga pamalong kahoy upang dakpin ako na katulad ng isang tulisan?49 Nagtuturo ako sa templo araw-araw kasama ninyo ngunit hindi ninyo ako dinakip. Subalit ito ay nangyari upang ang mga Kasulatan ay maganap.”50 Nang iniwan ng lahat si Jesus, sila ay tumakbo.51 Ngunit may sumusunod kay Jesus na isang binata na nasusuotan ng telang lino ang hubad niyang katawan at siya ay sinunggaban ng mga binata.52 At pagkaiwan niya ng telang lino, tumakbo siyang hubad palayo sa kanila.