Jeesuksen silta kallioiden välissä
| Secondary Keywords | Aurinko baitang bato bundok hakbang Jeesus Jeesus Joulu Jumala kaligtasan Kiven kivi lakad maglakad maliwanag mamula-mula Nainen nainen pagkakalayo pagkaunawa panganib sundin taivaallinen taivas talampas Tie polku tulay valon valo |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Ephesians 2:1-11 |
Ephesians 21 At kayo ay kaniyang binuhay, na dating mga patay sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,2 na sa mga ito ay dati kayong namuhay ayon sa takbuhin ng sanlibutang ito, ayon sa pinuno ng kapamahalaan ng hangin, ang espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway.3 Sila na kasama nating namuhay noon ayon sa mga masamang-nasa ng ating laman, na gumagawa ng mga pagnanais ng laman at ng mga kaisipan, ay likas na mga anak ng labis na poot katulad ng iba.4 Ngunit ang Diyos, na sagana sa kahabagan sa pamamagitan ng kaniyang dakilang pag-ibig kung saan tayo ay inibig niya5 kahit noong tayo ay mga patay pa sa ating mga pagsalangsang, ang bumuhay sa atin kasama ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo ay naligtas).6 At tayo ay kasamang ibinangon at kasamang pinaupo sa kalangitan kay Cristo Jesus,7 upang maipakita niya sa mga darating na mga kapanahunan ang sumasaganang yaman ng kaniyang biyaya sa kaniyang kabutihan sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus.8 Sapagkat sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ay hindi mula sa inyong mga sarili, ito ay kaloob ng Diyos,9 hindi dahil sa mga gawa, upang hindi magmalaki ang sinuman.10 Dahil tayo ay kaniyang mga likha na nilikha ng Diyos kay Cristo Jesus para sa mga mabuting gawa, na inihanda ng Diyos noong una upang mamuhay tayo sa mga ito.11 Kaya nga, alalahanin ninyo na dati kayo ay mga Gentil na nasa laman, na mga tinatawag na nasa di-pagtutuli ng mga tinatawag na nasa pagtutuli sa laman na gawa ng kamay. | |








