35 Kinabukasan, si Juan ay muling tumayo roon kasama ang dalawa sa kaniyang mga alagad.36 Pagtingin niya kay Jesus na naglalakad, sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos!”37 Narinig ng dalawang alagad nang siya ay nagsalita kaya sumunod sila kay Jesus.38 Paglingon ni Jesus at nakita niyang sumusunod sila, sinabi niya sa kanila, “Ano ang inyong hinahanap?” Sinabi nila sa kaniya, “Rabbi,” (ang ibig sabihin ay Guro) “saan ka nakatira?”39 Sinabi niya sa kanila, “Halikayo at inyong tingnan.” Sila ay pumaroon at nakita nila ang kaniyang tinitirahan. Nanatili silang kasama niya nang araw na iyon, noon ay mag-ikasampu na ang oras.40 Ang isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.41 Una niyang hinanap ang kaniyang sariling kapatid na si Simon at sinabi sa kaniya, “Natagpuan namin ang Mesiyas” (na ang kahulugan ay Cristo).42 Isinama ni Andres si Simon kay Jesus. Tiningnan siya ni Jesus at sinabi, “Ikaw ay si Simon na anak ni Jonas, tatawagin kang Cefas” (na ang ibig sabihin ay bato).
Mark 1
16 Habang naglalakad si Jesus sa tabi ng lawa ng Galilea, nakita niya si Simon at ang kapatid niyang si Andres na naghahagis ng lambat sa lawa sapagkat sila ay mga mangingisda.17 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.”18 Kaya kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.19 Nang siya ay malayu-layo na, nakita niya si Santiago na anak ni Zebedeo at ang kapatid niyang si Juan. Sila ay nasa bangka na naghahayuma ng kanilang mga lambat.20 At kaagad silang tinawag ni Jesus. Kaya iniwan nila sa bangka ang kanilang amang si Zebedeo na kasama ang mga upahang manggagawa, at sila ay sumunod na kaniya.
Matthew 4
18 At habang si Jesus ay naglalakad sa tabi ng dagat ng Galilea, nakita niya ang dalawang magkapatid na sina Simon na tinatawag na Pedro at Andres na kaniyang kapatid, na naghahagis ng lambat sa dagat dahil sila ay mga mangingisda.19 Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.”20 Kaya kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.21 At habang siya ay naglalakad mula roon, nakita niya sa bangka ang dalawa pang magkapatid, sina Santiago na anak ni Zebedeo at Juan na kaniyang kapatid, kasama ang kanilang amang si Zebedeo. Sila ay naghahayuma ng kanilang mga lambat. Sila ay tinawag ni Jesus.22 Kaya kaagad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sila ay sumunod sa kaniya.