27 Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jesus ay umalis at nakita niya ang isang maniningil ng buwis na ang pangalan ay Levi na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.”28 Kaya iniwanan niya ang lahat at tumindig at sumunod sa kaniya.29 At si Levi ay naghanda ng isang malaking piging sa kaniyang bahay para kay Jesus, at naroroon ang lubhang maraming maniningil ng buwis at iba pang nakaupong kasalo nila.30 At ang kanilang mga eskriba at ang mga Fariseo ay nagbulung-bulungan laban sa kaniyang mga alagad na sinasabi, “Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?”31 Ngunit si Jesus ay sumagot na sinabi sa kanila, “Sila na mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot kundi sila na mga maysakit.32 Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.”