24 Kaya nang sila ay lumapit sa kaniya, siya ay ginising nila na sinasabi, “Guro! Guro! Napapahamak tayo!” Ngunit nang gumising siya, sinaway niya ang hangin at ang malakas na hampas ng tubig, kaya tumigil ang mga ito at nagkaroon ng kapanatagan.25 At sinabi niya sa kanila, “Nasaan ang inyong pananampalataya?” Ngunit sila ay natakot at namangha na sinasabi sa isa't isa, “Sino nga ba ang taong ito? Sapagkat kahit ang hangin at tubig ay inuutusan niya at sila ay sumusunod sa kaniya!”
Mark 4
39 Sa kaniyang pagbangon, kaniyang sinaway ang hangin at sinabi sa dagat, “Pumanatag ka! Tumahimik ka!” Kaya tumahimik ang hangin at nagkaroon ng lubos na kapayapaan.40 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Paanong nagkagayon na wala kayong pananampalataya?”41 At natakot sila ng lubhang pagkatakot at nagsabi sila sa isa't isa, “Sino nga ba ang taong ito na kahit ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya?”
Matthew 8
26 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot, O kayong maliit ang pananampalataya?” At pagkabangon niya ay kaniyang sinaway ang mga hangin at ang dagat at nagkaroon ng lubos na kapayapaan.27 Kaya ang mga tao ay namangha na nagsasabi, “Anong uri ng tao ito na kahit ang mga hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya?”