Jeesus pyytää Matteusta, veronkantajaa, olemaan hänen opetuslapsensa. Matteus istuu pöydässä verojen maksamisesta ja Jeesus sanoo tulevansa hänen kanssaan ja Matteus teki.
9 At habang si Jesus ay naglalakad mula roon, nakita niya ang isang lalaki na tinatawag na Mateo na nakaupo sa paningilan ng buwis. At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.” At siya ay tumindig at sumunod sa kaniya.10 At nangyari, nang si Jesus ay nakadulog sa hapag-kainan sa isang bahay, narito, dumating ang maraming mga maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sila ay dumulog sa hapag-kainan kasama ni Jesus at ng kaniyang mga alagad.11 Nang nakita ito ng mga Fariseo, sinabi nila sa kaniyang mga alagad, “Bakit ang inyong Guro ay kumakaing kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?”12 Ngunit nang narinig iyon ni Jesus ay sinabi niya sa kanila, “Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot kundi ang mga maysakit.13 Subalit humayo kayo at pag-aralan ninyo kung ano ang kahulugan nito, ‘Habag ang ninanais ko at hindi hain’ Ose 6:6 sapagkat ako ay hindi pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.”