Jeesus puhdistaa temppelin
| Avainsanat | aking mga kaibigan sa Biblia Begone Camb_v.2p40-41traders002cml mamamalit ng salapi Manning de t. lee Negosyante tagabenta templo umalis utos |
|---|---|
| Secondary Keywords | Arvostelu ja Herald bagong tipan bahagi ng isang serye bahagi ng serye Jesus mga hayop mga kalapati negosyante panloob suriin toro tupa |
| Mga Banal na Kasulatan | John 211 Ito ang simula ng mga tanda na ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea, at nahayag ang kaniyang kaluwalhatian at sumampalataya sa kaniya ang kaniyang mga alagad. 12 Pagkatapos nito ay bumaba siya patungong Capernaum. Kasama niya ang kaniyang ina, mga kapatid na lalaki at ang kaniyang mga alagad. Nanatili sila roon ng ilang araw. John 213 Malapit na ang Araw ng Paglagpas ng mga Judio at umahon si Jesus patungong Jerusalem. 14 Nakita niya sa templo ang mga nagtitinda ng mga baka, ng mga tupa at ng mga kalapati, at ang mga mamamalit-salapi na nakaupo. 15 Pagkagawa niya ng panghagupit na lubid, itinaboy niya silang lahat papalabas sa templo, at ang mga tupa at ang mga toro. Ibinuhos niya ang salapi ng mga mamamalit-salapi at itinumba ang kanilang mga mesa. 16 Sa mga nagtitinda ng kalapati ay sinabi niya, “Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Huwag ninyong gawing bahay-kalakal ang bahay ng aking Ama.” 17 Naalala ng kaniyang mga alagad ang nasusulat, “Nilamon ako ng kasigasigan ng iyong bahay.” Awi 69:9 18 Sumagot nga ang mga Judio at sinabi sa kaniya, “Anong tanda ang maipapakita mo sa amin yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?” 19 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Gibain ninyo itong banal na dako ng templo at aking itatayo sa loob ng tatlong araw.” 20 Kaya sinabi ng mga Judio, “Apatnapu't anim na taon ang pagtatayo ng banal na dako ng templong ito at itatayo mo ito sa loob ng tatlong araw?” 21 Ngunit ang banal na dako ng templo na kaniyang tinutukoy ay ang kaniyang katawan. 22 Nang ibinangon nga siya mula sa mga patay ay naalala ng kaniyang mga alagad na sinabi niya ito sa kanila kaya sumampalataya sila sa Kasulatan at sa salita na sinabi ni Jesus. John 216 Sa mga nagtitinda ng kalapati ay sinabi niya, “Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Huwag ninyong gawing bahay-kalakal ang bahay ng aking Ama.” Mark 1115 At sila ay dumating sa Jerusalem at pagpasok ni Jesus sa templo, sinimulan niyang itaboy ang mga nagtitinda at ang mga namimili sa templo, at itinaob niya ang mga mesa ng mga mamamalit-salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. 16 At hindi niya pinapayagang dumaan sa loob ng templo ang sinumang magdadala ng sisidlan. 17 At siya ay nangaral na sinasabi sa kanila, “Hindi ba nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan para sa lahat ng mga bansa’ Isa 56:7 ngunit ginawa ninyo itong ‘yungib ng mga tulisan.’ ” Jer 7:11 18 At ang mga eskriba at ang mga punong saserdote ay nakinig, kaya naghanap sila ng paraan kung paano nila siya papatayin sapagkat sila ay natakot kay Jesus dahil ang lahat ng mga tao ay namangha sa kaniyang katuruan. 19 At nang gumabi na, siya ay lumabas sa lungsod. Mark 1117 At siya ay nangaral na sinasabi sa kanila, “Hindi ba nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan para sa lahat ng mga bansa’ Isa 56:7 ngunit ginawa ninyo itong ‘yungib ng mga tulisan.’ ” Jer 7:11 Matthew 2112 At si Jesus ay pumasok sa templo ng Diyos at itinaboy niya ang lahat ng mga nagtitinda at mga namimili sa templo at itinaob niya ang mga mesa ng mga mamamalit-salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. Psalm 699 Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin. |