Jeesus saapuu Jerusalemiin pääsiäistä varten ja menee temppeliin, jossa hän löytää rahanvaihtajia ja kauppiaita. Jeesus on vihainen. Hän hajottaa rahanvaihtajan kolikot ja kääntää pöydän yli.
13 Malapit na ang Araw ng Paglagpas ng mga Judio at umahon si Jesus patungong Jerusalem.14 Nakita niya sa templo ang mga nagtitinda ng mga baka, ng mga tupa at ng mga kalapati, at ang mga mamamalit-salapi na nakaupo.15 Pagkagawa niya ng panghagupit na lubid, itinaboy niya silang lahat papalabas sa templo, at ang mga tupa at ang mga toro. Ibinuhos niya ang salapi ng mga mamamalit-salapi at itinumba ang kanilang mga mesa.16 Sa mga nagtitinda ng kalapati ay sinabi niya, “Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Huwag ninyong gawing bahay-kalakal ang bahay ng aking Ama.”17 Naalala ng kaniyang mga alagad ang nasusulat, “Nilamon ako ng kasigasigan ng iyong bahay.” Awi 69:918 Sumagot nga ang mga Judio at sinabi sa kaniya, “Anong tanda ang maipapakita mo sa amin yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?”19 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Gibain ninyo itong banal na dako ng templo at aking itatayo sa loob ng tatlong araw.”20 Kaya sinabi ng mga Judio, “Apatnapu't anim na taon ang pagtatayo ng banal na dako ng templong ito at itatayo mo ito sa loob ng tatlong araw?”21 Ngunit ang banal na dako ng templo na kaniyang tinutukoy ay ang kaniyang katawan.22 Nang ibinangon nga siya mula sa mga patay ay naalala ng kaniyang mga alagad na sinabi niya ito sa kanila kaya sumampalataya sila sa Kasulatan at sa salita na sinabi ni Jesus.