9 At dinala ng diyablo si Jesus sa Jerusalem at pinatayo siya sa taluktok ng templo at sinabi niya sa kaniya, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka mula rito10 sapagkat ito ang nasusulat, ‘Uutusan niya ang kaniyang mga anghel patungkol sa iyo upang ingatan ka,’ Awi 91:1111 at ‘bubuhatin ka nila ng kanilang mga kamay upang hindi tumama sa bato ang iyong paa.’ ” Awi 91:1212 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Ito ang sinabi, ‘Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos.’ ” Deu 6:16
Matthew 4
5 Pagkatapos nito, siya ay dinala ng diyablo sa banal na lungsod at siya ay pinatayo sa taluktok ng templo6 at sinabi niya sa kaniya, “Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka sapagkat ito ang nasusulat, ‘Uutusan niya ang kaniyang mga anghel para sa iyo’ at ‘bubuhatin ka ng kanilang mga kamay upang hindi tatama sa bato ang iyong paa.’ ” Awi 91:11-127 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Muli, ito ang nasusulat, ‘Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos.’ ” Deu 6:16