Jeesus ruokkii 5000
| Secondary Keywords | 000 isda Koristelu Poika poika tinapay |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 610 Gayunpaman ay sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” Madamo sa dakong iyon kaya umupo ang mga lalaki na ang bilang ay halos limang libo. 11 At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at nang siya ay nakapagpasalamat, ipinamahagi niya sa mga alagad at ipinamahagi naman ng mga alagad sa mga nakaupo, gayundin ang mga isda, gaano man ang gustuhin nila. 12 At nang sila ay nabusog, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Ipunin ninyo ang mga lumabis na mga piraso upang walang anumang masayang.” 13 Kaya inipon nila at napuno nila ang labindalawang bakol ng mga piraso mula sa limang tinapay na sebada na lumabis sa mga nakakain na. Luke 913 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Subalit sinabi nila, “Wala tayong ibang pagkain kundi ang limang tinapay at dalawang isda, maliban na kami ay aalis at makakabili ng pagkain para sa lahat ng mga taong ito” 14 sapagkat ang mga lalaki ay halos limang libo. Ngunit sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Paupuin ninyo sila ng tiglilimampu bawat pangkat.” 15 At gayon ang ginawa nila at pinaupo nila ang lahat. 16 At pagkakuha niya sa limang tinapay at sa dalawang isda, siya ay tumingin sa langit at pinagpala niya ang mga ito, pinagputul-putol at ibinigay sa mga alagad upang ihain sa napakaraming tao. 17 At sila ay kumain at nabusog ang lahat. At ang lumabis na mga piraso na kanilang nakuha ay labindalawang bakol. Mark 638 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Ilang tinapay ang mayroon kayo? Umalis kayo at tingnan ninyo.” Nang nalaman nila ay kanilang sinabi, “Limang tinapay at dalawang isda.” 39 At sila ay inutusan niya upang paupuin silang lahat nang pangkat-pangkat sa luntiang damo. 40 Kaya sila ay umupo nang ayon sa mga hanay ng isandaan at hanay ng limampu. 41 Nang nakuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at pinagpala at pinagputul-putol ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad upang maipamahagi sa kanila, at ang dalawang isda ay ipinamahagi niya sa lahat, 42 at silang lahat ay kumain at nabusog. 43 Kanilang pinulot ang mga pira-piraso ng tinapay at ng mga isda at napuno ang labindalawang bakol. 44 At ang mga kumain ng mga tinapay ay halos limang libong lalaki. Matthew 1416 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi nila kinakailangang umalis. Bigyan ninyo sila ng makakain.” 17 At sinabi nila sa kaniya, “Wala tayong anuman dito maliban sa limang tinapay at dalawang isda.” 18 Kaya sinabi niya, “Dalhin ninyo rito sa akin ang mga iyon.” 19 At inutusan niya ang napakaraming tao na umupo sa damuhan. At pagkakuha niya sa limang tinapay at dalawang isda, siya ay tumingala sa langit at kaniyang pinagpala at pagkatapos niyang pinagputol-putol ang mga tinapay ay kaniyang ibinigay sa kaniyang mga alagad at ang mga alagad sa napakaraming tao. 20 At silang lahat ay kumain at nabusog. Pagkatapos ay inipon nila ang mga lumabis na mga piraso ng tinapay at napuno ang labindalawang bakol. 21 At sila na nakakain ay halos limang libong lalaki bukod sa mga babae at mga bata. |








