Pinakain ni Jesus ang 5000
| Avainsanat | 5 Cristo Jesus libo lima pagpapakain tinapay |
|---|---|
| Secondary Keywords | 000 5 5000 Emmanuel guro himala Immanuel isda Koristelu lalaki mesiyas pagkain pagkain pagsira pakain panginoon pyesta Tagapagligtas tinapay tinapay |
| Tertiary Keywords | kumain kumakain |
| Mga Banal na Kasulatan | John 65 Kaya nang itinanaw ni Jesus ang kaniyang mga mata at napagmasdan ang lubhang napakaraming taong paparating sa kaniya, sinabi niya kay Felipe, “Saan tayo bibili ng mga tinapay upang makakain ang mga taong ito?” 6 Subalit sinabi niya ito upang subukin siya sapagkat alam ni Jesus kung ano ang dapat niyang gawin. 7 Sumagot si Felipe sa kaniya, “Ang dalawandaang denaryong° halaga ng tinapay ay hindi makakasapat sa kanila upang makatanggap ng kaunti ang bawat isa sa kanila.” 8 Isa sa kaniyang mga alagad, si Andres na kapatid ni Simon Pedro, ay nagsabi sa kaniya, 9 “May isang batang lalaki rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda, ngunit ano ang mga ito sa napakaraming tao?” 10 Gayunpaman ay sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” Madamo sa dakong iyon kaya umupo ang mga lalaki na ang bilang ay halos limang libo. 11 At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at nang siya ay nakapagpasalamat, ipinamahagi niya sa mga alagad at ipinamahagi naman ng mga alagad sa mga nakaupo, gayundin ang mga isda, gaano man ang gustuhin nila. 12 At nang sila ay nabusog, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Ipunin ninyo ang mga lumabis na mga piraso upang walang anumang masayang.” 13 Kaya inipon nila at napuno nila ang labindalawang bakol ng mga piraso mula sa limang tinapay na sebada na lumabis sa mga nakakain na. 14 Kaya ang mga taong nakakita ng tanda na ginawa ni Jesus ay nagsabi, “Totoong ito na ang propetang darating sa sanlibutan.” Luke 912 Nang gumagabi na, lumapit sa kaniya ang labindalawang apostol at sinabi sa kaniya, “Paalisin mo na ang napakaraming tao upang sila ay pumunta sa palibot ng mga nayon at sa mga bukid na matutuluyan nila at sila ay makakahanap ng pagkain sapagkat tayo ay nasa ilang na dako.” 13 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Subalit sinabi nila, “Wala tayong ibang pagkain kundi ang limang tinapay at dalawang isda, maliban na kami ay aalis at makakabili ng pagkain para sa lahat ng mga taong ito” 14 sapagkat ang mga lalaki ay halos limang libo. Ngunit sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Paupuin ninyo sila ng tiglilimampu bawat pangkat.” 15 At gayon ang ginawa nila at pinaupo nila ang lahat. 16 At pagkakuha niya sa limang tinapay at sa dalawang isda, siya ay tumingin sa langit at pinagpala niya ang mga ito, pinagputul-putol at ibinigay sa mga alagad upang ihain sa napakaraming tao. 17 At sila ay kumain at nabusog ang lahat. At ang lumabis na mga piraso na kanilang nakuha ay labindalawang bakol. Mark 635 At pagkalipas ng maraming oras, lumapit kay Jesus ang kaniyang mga alagad at kanilang sinabi, “Ito ay ilang na dako at lumipas na ang maraming oras. 36 Paalisin mo na sila upang sa kanilang pagpunta sa mga karatig pook at sa mga nayon ay makabili ng mga tinapay para sa kanilang sarili sapagkat sila ay walang anumang makakain.” 37 Subalit siya ay sumagot sa kanila na sinabi, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” At sinabi nila sa kaniya, “Aalis ba kami upang makabili ng halagang dalawandaang denaryong° tinapay upang mabigyan sila ng makakain?” 38 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Ilang tinapay ang mayroon kayo? Umalis kayo at tingnan ninyo.” Nang nalaman nila ay kanilang sinabi, “Limang tinapay at dalawang isda.” 39 At sila ay inutusan niya upang paupuin silang lahat nang pangkat-pangkat sa luntiang damo. 40 Kaya sila ay umupo nang ayon sa mga hanay ng isandaan at hanay ng limampu. 41 Nang nakuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at pinagpala at pinagputul-putol ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad upang maipamahagi sa kanila, at ang dalawang isda ay ipinamahagi niya sa lahat, 42 at silang lahat ay kumain at nabusog. 43 Kanilang pinulot ang mga pira-piraso ng tinapay at ng mga isda at napuno ang labindalawang bakol. 44 At ang mga kumain ng mga tinapay ay halos limang libong lalaki. Mark 81 Nang mga araw na iyon, ang mga tao ay lubhang napakarami at wala silang anumang makain, kaya tinawag ni Jesus na lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad na sinasabi sa kanila, 2 “Ako ay nahahabag sa napakaraming tao sapagkat tatlong araw na silang nanatiling kasama ko at wala silang anumang makain, 3 at kung pauwiin ko sila sa kanilang tirahan na hindi pa nakakakain, manlulupaypay sila sa daan sapagkat malayo pa ang pinanggalingan ng ilan sa kanila.” 4 At sumagot sa kaniya ang kaniyang mga alagad, “Saan makakakuha ng tinapay ang sinuman upang mabusog ang mga taong ito na nasa ilang na dako?” 5 Kaya tinanong niya sila, “Ilang tinapay ang mayroon kayo?” At sumagot sila, “Pito.” 6 At iniutos niya sa napakaraming tao na umupo sa lupa. At nang nakuha niya ang pitong tinapay at nakapagpasalamat, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay niya sa kaniyang mga alagad upang maipamahagi. At ibinahagi nila ang mga ito sa napakaraming tao. 7 At sila ay mayroong ilang maliliit na isda. At nang kaniyang napagpala ang mga ito, kaniyang sinabi na ipamahagi rin sa kanila. 8 Kaya sila ay kumain at nabusog. At kanilang pinulot ang lumabis na pira-pirasong tinapay at nakapuno sila ng pitong kaing. Matthew 1415 At sa pagsapit ng takipsilim, ang kaniyang mga alagad ay lumapit sa kaniya na sinasabi, “Ito ay isang ilang na lugar at lumipas na ang oras. Pauwiin mo ang napakaraming tao upang sila ay pumunta sa mga nayon at makabili ng mga pagkain para sa kanilang sarili.” 16 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi nila kinakailangang umalis. Bigyan ninyo sila ng makakain.” 17 At sinabi nila sa kaniya, “Wala tayong anuman dito maliban sa limang tinapay at dalawang isda.” 18 Kaya sinabi niya, “Dalhin ninyo rito sa akin ang mga iyon.” 19 At inutusan niya ang napakaraming tao na umupo sa damuhan. At pagkakuha niya sa limang tinapay at dalawang isda, siya ay tumingala sa langit at kaniyang pinagpala at pagkatapos niyang pinagputol-putol ang mga tinapay ay kaniyang ibinigay sa kaniyang mga alagad at ang mga alagad sa napakaraming tao. 20 At silang lahat ay kumain at nabusog. Pagkatapos ay inipon nila ang mga lumabis na mga piraso ng tinapay at napuno ang labindalawang bakol. 21 At sila na nakakain ay halos limang libong lalaki bukod sa mga babae at mga bata. Matthew 1532 Kaya tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Nahahabag ako sa napakaraming tao sapagkat tatlong araw na silang nananatiling kasama ko at sila ay walang anumang makakain. At hindi ko ibig na paalisin silang hindi kumain baka sila ay manghina sa daan.” 33 Subalit sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, “Saan tayo kukuha sa ilang ng napakaraming tinapay upang mabusog ang napakaraming taong ito?” 34 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Ilang tinapay ang mayroon kayo?” At sinabi nila, “Pito at kaunting maliliit na isda.” 35 At kaniyang inutusan ang napakaraming tao na umupo sa lupa 36 Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nang siya ay nakapagpasalamat, pinagputul-putol niya ang mga ito at ibinigay sa kaniyang mga alagad at ang mga alagad sa napakaraming tao. 37 At silang lahat ay kumain at nabusog. At kanilang pinulot ang mga lumabis na pira-pirasong pagkain at pitong kaing ang napuno. 38 At ang mga kumain ay apat na libong lalaki maliban sa mga babae at mga bata. |