46 At sila ay dumating sa Jerico. At nang si Jesus ay papalabas sa Jerico kasama ang kaniyang mga alagad at ang napakaraming tao, ang bulag na si Bartimeo na anak ni Timeo ay nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos.47 At nang narinig niya na si Jesus na taga-Nazaret ay naroroon, nagsimula siyang sumigaw at sinabi, “Jesus, Anak ni David, mahabag ka sa akin!”48 At marami ang sumaway sa kaniya upang mapatahimik siya ngunit lalo pa siyang sumigaw, “Anak ni David, mahabag ka sa akin.”49 At nang huminto si Jesus, sinabi niya na tawagin siya. At tinawag nila ang bulag na sinasabi sa kaniya, “Lakasan mo ang iyong loob. Tumindig ka, tinatawag ka ni Jesus.”50 At pagkatapon niya ng kaniyang balabal, siya ay tumayo at lumapit kay Jesus.51 Kaya sumagot si Jesus na sinabi sa kaniya, “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” At ang bulag ay nagsabi sa kaniya, “Rabbi, ang mapanumbalik ang aking paningin.”52 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Humayo ka, ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo.” At kaagad napanumbalik ang paningin ng bulag at siya ay sumunod kay Jesus sa daan.