13 At dinala nila kay Jesus ang maliliit na bata upang sila ay kaniyang mahawakan, ngunit sinaway ng mga alagad ang mga nagdadala sa mga bata.14 Subalit labis na nagalit si Jesus nang nakita ito, at sinabi niya sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata at huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila nauukol ang paghahari ng Diyos.
Mark 9
37 “Kung ang sinuman ay tatanggap sa maliit na batang katulad nito sa aking pangalan ay tinatanggap ako, at kung ang sinuman ay tatanggap sa akin ay hindi ako ang tinatanggap kundi siya na nagsugo sa akin.”
Matthew 13
38 Ang bukirin ay ang sanlibutan at ang mabuting binhi ay ang mga anak ng paghahari ng Diyos, ngunit ang mapanirang mga damo ay ang mga anak niyaong masama.
Matthew 19
13 Pagkatapos nito, dinala sa kaniya ang maliliit na bata upang maipatong niya ang kaniyang kamay sa kanila at sila ay ipanalangin ngunit sila ay sinaway ng mga alagad.14 Ngunit sinabi ni Jesus, “Pahintulutan ninyo ang maliliit na bata at huwag ninyo silang hadlangang makalapit sa akin sapagkat para sa mga katulad nila ang paghahari ng langit.”