29 At nang nakaalis si Jesus mula sa lugar na iyon, siya ay pumunta sa tabi ng dagat ng Galilea. At nang siya ay nakaahon sa bundok, siya ay umupo roon.30 At lumapit sa kaniya ang lubhang napakaraming tao na kasama nila ang mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga may kapansanan sa kamay o sa paa, at marami pang iba. Sila ay kanilang inilagay sa paanan ni Jesus at sila ay kaniyang pinagaling.31 Kung kaya ang napakaraming tao ay namangha habang nakikita nilang nagsasalita ang mga pipi, gumaling ang mga may kapansanan, lumalakad ang mga lumpo at nakakita ang mga bulag. At niluwalhati nila ang Diyos ng Israel.