9 At pagkaalis niya roon, siya ay pumasok sa kanilang sinagoga.10 Narito, may isang lalaki na natuyot ang kamay. At tinanong nila si Jesus na sinabi, “Ipinapahintulot ba na magpagaling sa mga araw ng Sabat?” Siya ay tinanong nila upang siya ay kanilang maparatangan.11 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Sino kaya sa inyo ang taong mayroong isang tupa, at kung ito ay mahulog sa hukay sa mga araw ng Sabat, hindi kaya niya ito kukunin at iaahon?12 Gaano pa kaya ang isang tao na higit na mahalaga kaysa sa tupa? Kung gayon, ipinapahintulot ang gumawa ng mabuti sa mga araw ng Sabat.”13 Pagkatapos nito ay sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Kaya iniunat niya ito at ito ay naipanumbalik na magaling katulad ng isa.14 Kaya pag-alis ng mga Fariseo, sila ay nagdaos ng sanggunian laban sa kaniya, kung paano nila siya mapapatay.