1 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay ang kapistahan ng mga Judio, kaya si Jesus ay umahon papunta sa Jerusalem.2 Sa Jerusalem ay may malaking paliguan sa tabi ng Tarangkahan ng Tupa na tinatawag sa wikang Hebreo na Betesda na may limang portiko.3 Ipinapahiga rito ang lubhang napakaraming may mga kapansanan, mga bulag, mga pilay at mga nanunuyot, na naghihintay ng paggalaw ng tubig4 sapagkat may panahon na lumulusong ang isang anghel sa malaking paliguan at ginagalaw ang tubig. Kaya ang unang makalusong pagkatapos na magalaw ang tubig ay gumagaling sa anumang karamdamang nagpapahirap sa kaniya.5 Naroroon ang isang lalaki na tatlumpu't walong taon nang maysakit.6 Nang siya ay nakita ni Jesus na nakahiga at alam niya na matagal nang panahong siya ay may kapansanan, sinabi niya sa kaniya, “Nais mo bang gumaling?”7 Sumagot sa kaniya ang may kapansanan, “Ginoo, walang taong magdadala sa akin sa malaking paliguan sa tuwing mapapagalaw ang tubig. At habang ako ay papunta, lumulusong na ang ibang nauuna sa akin.”8 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka.”