12 At nangyari nang siya ay nasa isa sa mga lungsod, may lalaking puno ng ketong at nang nakita niya si Jesus, siya ay nagpatirapa sa kaniyang harapan at humiling sa kaniya na sinasabi, “Panginoon, kung nanaisin mo, magagawa mong linisin ako.”13 Iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at siya ay kaniyang hinawakan na sinasabi, “Nais ko, maging malinis ka.” At ang ketong ay kaagad naalis sa kaniya.14 Iniutos ni Jesus sa kaniya, “Huwag mo itong sasabihin sa kaninuman. Ngunit humayo ka at ipakita mo ang iyong sarili sa saserdote at ikaw ay maghandog para sa pagkalinis mo ayon sa iniutos ni Moises bilang patotoo sa kanila.”15 Subalit lalo pang kumalat ang balita patungkol kay Jesus kaya patuloy na dumarating ang lubhang maraming tao upang makinig at upang pagalingin niya sa kanilang mga sakit.