24 And from there he arose and went away to the region of Tyre and Sidon. And he entered a house and did not want anyone to know, yet he could not be hidden.25 But immediately a woman whose little daughter had an unclean spirit heard of him and came and fell down at his feet.26 Now the woman was a Gentile, a Syrophoenician by birth. And she begged him to cast the demon out of her daughter.27 And he said to her, “Let the children be fed first, for it is not right to take the children's bread and throw it to the dogs.”28 But she answered him, “Yes, Lord; yet even the dogs under the table eat the children's crumbs.”29 And he said to her, “For this statement you may go your way; the demon has left your daughter.”30 And she went home and found the child lying in bed and the demon gone.
Matthew 15
21 At pagkaalis ni Jesus mula sa lugar na iyon, siya ay pumunta sa mga baybayin ng Tiro at Sidon.22 Narito, isang babaing taga-Canaan na nagmula sa mga hangganan ding iyon ang lumabas at sumigaw na nagsasabi sa kaniya, “Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa akin. Ang aking anak na babae ay labis na pinahihirapan ng demonyo.”23 Ngunit siya ay hindi sumagot sa kaniya ng kahit isang salita. At ang kaniyang mga alagad ay lumapit sa kaniya at pinakiusapan siya na sinasabi, “Paalisin mo siya sapagkat siya ay sumisigaw sa likuran natin.”24 Ngunit siya ay sumagot at sinabi, “Hindi ako isinugo maliban sa mga naligaw na tupa ng sambahayan ng Israel.”25 Subalit siya ay lumapit at sinamba si Jesus na sinasabi, “Panginoon, tulungan mo ako!”26 Ngunit sumagot siya at sinabi, “Hindi mabuti na kunin ang tinapay ng mga anak at itapon sa mga aso.”27 At sinabi ng babae, “Totoo, Panginoon, sapagkat kahit ang mga aso ay kumakain ng mga mumong nahuhulog mula sa hapag-kainan ng kanilang mga panginoon.”28 Pagkatapos nito ay sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Ginang, napakalaki ng iyong pananampalataya. Mangyari sa iyo ang ayon sa ibig mo.” At gumaling ang kaniyang anak na babae simula sa oras na iyon.