14 Kaya dahil tayo ay mayroong isang dakilang pinakapunong saserdote, si Jesus na Anak ng Diyos na siyang umakyat sa kalangitan, ating mapanghawakang matibay ang ating paghahayag15 sapagkat wala tayong pinakapunong saserdote na walang kakayahang makiramay sa ating mga kahinaan. Ngunit siya ay sinubok sa lahat ng kaparaanan katulad natin, subalit siya ay walang kasalanan.16 Kaya tayo ay makakalapit na may lakas ng loob sa trono ng biyaya upang tayo ay makatanggap ng habag at makasumpong ng biyayang tulong para sa panahon ng pangangailangan.