22 At isang araw, nangyari na si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay sumakay sa bangka at sinabi niya sa kanila, “Tatawid tayo sa kabilang ibayo ng lawa.” Kaya sila ay naglayag.23 Ngunit habang sila ay naglalayag, si Jesus ay nakatulog at dumating ang isang bagyo ng hangin sa lawa, at sila ay napupuno na ng tubig at nanganganib.24 Kaya nang sila ay lumapit sa kaniya, siya ay ginising nila na sinasabi, “Guro! Guro! Napapahamak tayo!” Ngunit nang gumising siya, sinaway niya ang hangin at ang malakas na hampas ng tubig, kaya tumigil ang mga ito at nagkaroon ng kapanatagan.25 At sinabi niya sa kanila, “Nasaan ang inyong pananampalataya?” Ngunit sila ay natakot at namangha na sinasabi sa isa't isa, “Sino nga ba ang taong ito? Sapagkat kahit ang hangin at tubig ay inuutusan niya at sila ay sumusunod sa kaniya!”
Matthew 8
24 At narito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa dagat kung kaya ang bangka ay naaapawan ng malalakas na alon ngunit si Jesus ay natutulog.25 Kaya lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at ginising siya na nagsasabi, “Panginoon, iligtas mo kami, kami ay napapahamak.”26 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot, O kayong maliit ang pananampalataya?” At pagkabangon niya ay kaniyang sinaway ang mga hangin at ang dagat at nagkaroon ng lubos na kapayapaan.