14 At si Jesus ay bumalik sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu at lumaganap ang patungkol sa kaniyang katanyagan sa buong palibot ng lupain.15 At siya ay nagturo sa kanilang mga sinagoga, na niluluwalhati ng lahat.16 Siya ay pumunta sa Nazaret kung saan siya lumaki, at ayon sa kaniya nang kinaugalian, siya ay pumasok sa sinagoga sa araw ng Sabat at siya ay tumayo upang magbasa.17 At iniabot sa kaniya ang aklat ni propeta Isaias at nang ibinuklat niya ang aklat, natagpuan niya ang bahagi kung saan ito ang nasusulat,18 “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin dahil ako ay pinahiran niya ng langis upang ipangaral ang ebanghelyo sa mga dukha. Isinugo niya ako upang pagalingin ang mga sugatang puso, upang ipangaral ang kalayaan sa mga bihag at ang panunumbalik ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naapi,19 at upang ipangaral ang katanggap-tanggap na taon ng Panginoon.” Isa 61:1-220 At nang naibalumbon niya ang aklat at naibigay niya ito sa opisyal, si Jesus ay umupo. At ang mga mata ng lahat ng mga nasa sinagoga ay nakatitig sa kaniya.