4 Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Panginoon, mabuti para sa amin na kami ay naririto. Kung nanaisin mo, kami ay gagawa ng tatlong kubol dito. Ang isa ay para sa iyo, ang isa ay para kay Moises at isa ay para kay Elias.”5 Habang siya ay nagsasalita pa, narito, lumilim sa kanila ang isang maningning na ulap, at narito ang isang tinig buhat sa ulap, na nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya.”6 At nang narinig ito ng mga alagad, sila ay nagpatirapa sa kanilang mukha at sila ay lubhang natakot.