Jeesus oppii
| Avainsanat | Elämää Jeesus Jeesus |
|---|---|
| Secondary Keywords | guro Jerusalem Josef koleksyon Maria Natututo paghahanap Poika poika templo |
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 2:41-52 |
Luke 241 Ang kaniyang mga magulang ay pumupunta sa Jerusalem taun-taon para sa Pista ng Paglagpas.42 At nang si Jesus ay labindalawang taong gulang na, sila ay umahon sa Jerusalem ayon sa kaugalian ng kapistahan.43 At pagkatapos ng mga araw ng kapistahan, sa kanilang pag-uwi ang batang si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem at ito ay hindi nalaman ni Jose at ng kaniyang ina.44 At dahil sa pag-aakalang siya ay kasama sa paglalakbay, sila ay naglakbay pa ng isang araw at siya ay kanilang hinanap sa mga kamag-anakan at sa mga kakilala.45 Ngunit nang siya ay hindi nila natagpuan, sila ay bumalik sa Jerusalem at siya ay hinanap nila.46 At nangyari, pagkalipas ng tatlong araw, siya ay natagpuan nila sa templo na nakaupo sa kalagitnaan ng mga guro na nakikinig at nagtatanong sa kanila.47 Ang lahat ng mga nakapakinig sa kaniya ay namangha sa kaniyang pang-unawa at mga sagot.48 At nang siya ay nakita nila, sila ay nagtaka. At sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, “Anak, bakit ganito ang ginawa mo sa amin? Tingnan mo, ang iyong ama at ako ay naghanap sa iyo na nahahapis.”49 Subalit sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako hinanap? Hindi ba ninyo alam na kinakailangan kong gawin ang mga bagay patungkol sa aking Ama?”50 Ngunit hindi nila naunawaan ang mga salitang sinabi niya sa kanila.51 At siya ay lumusong na kasama nila at dumating sa Nazaret at naging mapagpasakop sa kanila. At iningatang mabuti ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga salitang ito.52 At si Jesus ay lumago sa karunungan at sa pangangatawan at sa pagbibigay lugod sa Diyos at sa mga tao. | |








